• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-18 18:56:28    
Di-Katanggap-Tanggap na Pananakit ng Damdamin, Shocking Pink, Sammi Cheng

CRI
Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Talagang very appreciative itong si Randolph Empredo ng Baguio City. Sabi niya instant reply daw kami sa Serbisyo Filipino.

Salamat, Randolph. Pipilitin naming sagutin ang mga SMS at sulat ninyo sa abot ng aming makakaya.

Sabi naman ni Buddy "Boy" Basilio ng M/V Aldavaran Singapore, kahit daw maalon ang dagat tuloy ang kanilang Filipino Service mania.

Thanks, pare.

Victor Huang at Jasmine Leung nagbubukas sa ating munting palatuntunan sa awiting "Walang Dudang Mahal Kita" na hango sa labum na may pamagat na "Hindi Sarado ang Pinto".

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Sabi ng short note ni Manny Bornhauser ng Switzerland: "Malaki ang pagkakaiba ninyo sa ibang istasyon sa short-wave. Mas friendly ang dating ninyo at wala kayong pinipiling listener. Pantay ang pagtingin ninyo sa poorest of the poor at richest of the rich. Wala kayong tinitingnan at walang tinititigan."

Thank you sa compliment, Manny.

Iyan naman ang tinig ng walang-kupas na si Dina Bonnevie sa awiting "Bakit ba Ganyan" Ang track na iyan ay lifted sa "OPM Greatest Hits" album.

May short note pa mula sa Europe. Sabi ni Rachel Kierrulf ng Germany: "Hindi lang sa kabuhayan matagumpay ang Tsina; maging sa siyensiya, teknolohiya, medisina, at sining matagumpay din ito. Hindi rin ito nahuhuli sa mga programa na may kinalaman sa kapaligiran, pagpaplano ng pamilya, at poverty alleviation."

Salamat sa iyong remarks, Rachel.

Mula naman sa album na may pamagat na "Shocking Pink", iyan ang awiting "Di-Katanggap-Tanggap na Pananakit ng Damdamin" ni Sammi Cheng.

Salamat sa 917 483 2281. Sabi ng kanyang SMS: "Nasaan na ang mga pelikulang kung fu at martial arts? Bakit nangangawala ito? Pinipilahan ang mga pelikulang ito ng mga manonood na masang Pilipino. Sana magbalik sa sinehan.

Mula naman sa Beijing, sabi ng 0086 1352 023 4755: "Ang inyong istasyon ay istasyong may puso. Sa inyo lang ako nakakatanggap ng reply sa SMS. Maging sa e-mail ganundin. Talagang maipagmamalaki ko kayo. Hitsura lang ng iba, hmmp!"

Thank you. Parang hindi ata bagay sa akin iyong "hmmp!".

"The Island" inihatid sa ating masayang pakikinig ng Agot. Iyan ay hango sa collective album na pinamagatang "You Are the One"

Kausap ko noong isang araw si Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia. Ipinaaabot daw niya at ng iba pang Pinoy sa Jeddah ang kanilang mataos na pagbati ng hello sa buong staff ng CRI Filipino Service.

Salamat, Lucas, at hi sa mga kababayan diyan sa Jeddah.

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Iton muli si Ramon Jr. Maraming sa lamat sa inyong walang-sawang pakikinig.