• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-18 19:41:51    
Bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina, pinabibilis ang pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, pinananatili ng Tsina ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, pero, naging mas malubha ang kontradiksyon sa pagitan ng pag-unald ng kabuhayan at kapaligiran. Upang malutas ang kontradiksyong ito, itinakda ng Tsina ang mid-term targets para sa pagpapabilis ng pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga ng mga dumi para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Ayon sa target na iniharap ng pamahalaang Tsino, hanggang 2010, babawasan ng 20% ang konsumo ng enerhiyan GDP yunit kumpara sa taong 2005 at 10% ang pagbuka ng polutant. Upang maisakatuparan ang target na ito, naglunsod ang Tsina ng isang pambansang kilusan ng pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga ng mga dami sa hanay ng mga mamamayan.

Noong unang hati ng taong ito, bumaba nang halos 3% ang konsumo ng enerhiyan GDP yunit, at pinananatili ang pagbaba sa tuloy-tuloy na 4 kuwarter at pinatatag nito ang mainam na tunguhin ng pagbaba ng konsumo ng enerhiya.

Noong katapusan ng buwang nakalipas, sa isang may kinalamang porum, ipinahayag ni Xie Zhenhua, pangalawang direktor ng National Development and Reform Commission ng Tsina na:

"Sa malapit na hinaharap, pasusulungin namin, pangunahin na, ang pagpapalakas ng sistema ng pagtasa sa resulta at responsibilidad sa gawain ng pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga ng polutant at iba pa."

Isiniwalat rin noong katapusan ng buwang nakalipas ni Li Rongrong, puno ng State-owned Assets Supervision ng Tsina na sa takbo ng pagsasaalang-alang sa merito ng mg anamamahalang tauhan ng mga bahay-kalakal na ari ng estado, dapat tasahan ang kanilang ginagawa sa pagsasakatuparan ng tarket ng pagtitipid ng nerhiya at pagbuga ng mga dumi.