• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-22 20:40:09    
Ang kuwento ng mga balikbayang Tsino

CRI

Ang Setyembre ay pinakamagandang panahon sa lunsod ng Suzhou sa katimugan ng Tsina, puno ng bango ng Osmanthus sa mga lansangan at kalye ng Suzhou. Walang duda, napakafamiliar sa kalagayang ito si Wu Xiaosong na nakatira dito nang 9 na taon. Si Wu ay may-ari ng isang bahay-kalakal hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran na pinamagatang "Ai Huan Wu Shi". Noong 1999, umuwi siya mula sa Hapon at itinayo ang bahay-kalakal na ito sa Suzhou Pioneering Park for Overseas Chinese Scholars. Nang maalaala ang panahong iyon, sinabi ni Wu na:

"Noong 1998, itinakda ng bansa ang mga napakagandang patakaran at naitatag ang mga Pioneering Park for Overseas Chinese Scholars sa Suzhou at Shanghai. Kung pipili ang mga balikbayan na pasimulan ang kanilang usapin sa parkeng ito, ipagkakaloob sa kanila ang maraming kaginhawahan at pagkatulong. Matuwain sila sa paglilingkod sa mga mag-aaral na Tsino sa ibayong dagat."

Ayon sa tadhana ng nasabing parke, dapat mamuhunan ang mga bahay-kalakal na dayuhan ng mahigit 300 libong dolayres para sa pagtatatag ng isang pabrika dito, ngunit, 65 libong dolayres na lamang para sa mga balikbayan sa pagtatayo ng kanilang sariling pabrika dito. Bukod dito, itinatag din nito ang isang Foundation para magkaloob ng pondo sa mga balikbayang mag-aaral para sa pagsisimula ng kanilang karera at hindi bayaran ang renta sa unang taon.

Si Wu ay isinilang sa lunsod ng Quanzhou ng lalawigang Fujian. Nang matapos niya ang pag-aaral sa Pamantasan ng Fuzhou, kusang-loob na pumili siyang maging isang guro sa mahirap na kanayunan. Nakita niya doon na maraming bata ang hindi nakapasok sa paaralan dahil sa kahirapan. Sanhi ng karanasang ito, ipinalalagay niyang ang kabuhayan ay pundasyon para sa lahat, kaya ipinasiya niyang mag-aral sa ibayong dagat at pagkaraan nito, lumikha ng kaniyang sariling usapin. Nang matapos niya ang kaniyang pag-aaral sa Hapon, nagkaroon siya ng isang napakagandang trabaho sa Hapon na mahigit 600 libong Yuan RMB ang taunang suweldo. Ngunit, noong 1999,walang anumang pagbabantulot, umuwi si Wu at ang kaniyang asawang si Jin Yan. Kaugnay nito, sinabi ni Jin na:

"Noong panahong iyon, talagang walang anumang pagbabantulot kami sa pagbalik sa bansa. Ipinalalagay namin na napakarami ng pagkakataon sa Tsina at sa ibang development, kapos sila sa damdamin sa tahanan sa Hapon, ang inang-bayan ay talagang tahanan namin."