Ang Hainan Xinglong overseas Chinese farm na itinuturing isang bandila ng mga overseas Chinese farm sa Tsina, ay nasa Wanning, isang lunsod sa gawaing timog silangan ng Lalawigang Hainan ng Tsina. Mula noong taong 1951 hanggang sa kasalukuyan, mahigit 10 libong balikbayan na galing sa 21 bansa't rehiyon ay magkakasunod na ipinadala sa sakahang ito, at pagkaraang halos 50 taong pagsisikap ng mga balikbayan sa Xinglong, pinaunlad nila ang isang tiwangwang na naging isang malaking overseas Chinese enterprise na mayroon 230 milyong Yuan, RMB ng fixed assets at ang GDP nito ay umabot sa halos 78 milyong Yuan, at komprehensibong umuunlad sa mga larangang kinabibilangan ng agrikultura, industriya, komersyo at turismo.
Nang pumasok sa naturang sakahan, makikita ninyo saan man dako ang berdeng puno, malawak na daan at maraming tindahan at hotel nasa ilalim ng mga coconut trees. Marami ang mga turista, partikular na ang bagong itinatag na "Asian Garden" at "South-East Asian Village" ay nakakatawag ng malaking pansin ng mga turista. Sa "South-East Asian Village", ang mga turista ay hindi lamang makadaramdam ng kulturang panrelihiyon ng Thailand, kundi makapag-eenjoy ng pambansang awit at sayaw ng mga etnikong grupo sa Timog Silangang Asya.
Ayon kay Feng Wei, puno ng Xinglong overseas Chinese farm, noong una, nagtanim ang sakahang ito ng mga tropical crop na kinabibilangan ng rubber, coffee, pepper, coconuts at iba pa, at nitong 10 taong nakalipas, sa pundasyon ng aktibong pagpapaunlad ng Xinglong ng agrikulturang tropikal at sa lubos na pagpapatingkad ng kahigtan nitong maganda ang natural na tanawin, walang humpay na pinabubuti ang kapaligiran ng pamumuhunan sa mga scenic area, at sa gayo'y nagiging kaakit-akit ito para sa mga mamumuhunan sa loob at labas ng bansa, at parami nang paraming balikbayan ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo doon. Sinabi niya:
"Sa financial income ng lunsod ng Wanning, mahigit sa sangkatlo nito ay galing sa Xinlong ovserseas Chinese farm. Lubos na pinahahalagahan ng tanggapan ng konseho ng estado ng Tsina sa mga suliranin ng overseas Chinese at pamahalaan ng Hai'nan ang pag-unlad ng sakahang ito, at hinihiling nila sa amin na magharap ng plano ng reporma, at gumagawa rin kami ng maraming pagsisikap sa aspektong ito."
Ang mabilis na pag-unlad ng naturang sakahan ay gumaganap din ng positibong papel para sa pagpapabuti sa lebel ng pamumuhay ng mga overseas Chinese sa lokalidad. Nitong ilang taong nakalipas, lumitaw ang malaking pagbabago sa kondisyon ng pabahay ng mga overseas Chinese sa sakahan. Isinalaysay ni Ginoong Wang, isang namamahalang tauhan ng naturang Xinglong farm na:
"Noong una, naghintay lamang ang mga manggagawa sa sakahan ng pagbibigay ng estado ng bahay sa kanila, at sa kasalukuyan, unti-unting nagbabago ang naturang ideya. Sa kasalukuyan, tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga manggagawa ng sakahan, kaya sariling nagtatayo ang higit na nakararaming manggagawa ng kanilang bahay."
Si Xie Sanmei ay isang overseas Chinese sa Indonesia na bumalik sa bansa noong 1979, at siya ay isang retired worker ng naturang sakahan. Ayon sa kontrata, siya sarili ang bahala sa isang malaking lichee garden. Bukod dito, nagpapakain rin sila ng kanyang asawa ng mga baboy at isda. Sinabi niya:
"Ilang manggagawa ng sakahan ang nag-aalaga ng isda at goose, at tinubaran ko ito, at maganda ang benipisyo nito."
Sa kasalukuyan, umabot sa halos 6 kilometro kuwadrado ang saklaw ng lupa ng Xinglong overseas Chinese farm na ginamit sa pagpapaunlad ng turismo, at lumagda ang 105 bahay-kalakal sa loob at labas ng bansa at sakahang ito sa kasunduan ng pamumuhunan, at ang 36 na malaking hotel ay magkakasunod na itinayo sa Xinglong, at tinanggap nito ang halos 1.2 milyong person-time ng mga turistang Tsino at dayuhan bawat taon. Kaya kilalang kilala ang Xinglong sa loob at labas ng bansa, at ito ay naging isang magandang purok para sa pagliligo at batis, pagpapakaginhawa sa sarili, shopping at paglalakbay.
|