Ang Setyembre ay pinakamagandang panahon sa lunsod ng Suzhou sa katimugan ng Tsina, puno ng bango ng Osmanthus sa mga lansangan at kalye ng Suzhou. Walang duda, napakafamiliar sa kalagayang ito si Wu Xiaosong na nakatira dito nang 9 na taon. Si Wu ay may-ari ng isang bahay-kalakal hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran na pinamagatang "Ai Huan Wu Shi". Noong 1999, umuwi siya mula sa Hapon at itinayo ang bahay-kalakal na ito sa Suzhou Pioneering Park for Overseas Chinese Scholars.
Hindi katulad ni Wu, si Sun Fulin ay isang magsasaka at hindi tumanggap ng pormal na edukasyon bago pumunta siya sa Hong Kong para magmana ng isang hotel ng kaniyang tatay noong 1982. Ngunit, pagkaraan ng mahigit 20 taong pasisikap, umabot sa mahigit 1 bilyong Yuan RMB ang kaniyang ari-arian. Noong 2003, bumalik din siya sa Suzhou at namuhunan ng 650 milyong Yuan RMB para sa pagtatatag ng isang ospital doon. Kugnay nito, sinabi niya na:
"Ang 650 milyong Yuan na pamumuhunan ay isang malaking numero para sa isang family enterprises. Dahil nakita kong datapuwa't isang maunlad na rehiyon ang Su Zhou, napakahirap pa rin para sa mga mamamayan sa pagpapagamot at ang Su Zhou ay lupang-tinubuan ko, kaya gumawa ako ng kapasiyang ito."
Bukod sa pagtatatag ng ospital, nag-abuloy din ng malaki si Sun para sa Red-Cross Society, mga foundation at iba pa para tulungan ang iba pang tao.
|