• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-24 20:27:31    
Bundok numero uno sa ilalim ng langit

CRI
Mula paanan ng bundok Tai paakyat sa sukdulan, dapat dumaan sa tatlong tarangkahan: Tianmen, Zhongtianmen at Nantianmen. Kung nakayapak na kayo sa tatlong tarangkahang ito, nangangahulugang lumapit na kayo sa diyos.

Sa Tianmen, nakatirik dito ang stone plaques at memorial archway, umakyat minsan si Confucius sa Bundok Tai. May naiwan siyang tulang naglalarawan ng kadakilaan ng Bundok Tai: "nang makayapak ka sa tugatog ng bundok Tai, nadarama ninyong kay liit ng lahat ng ibang bundok sa daigdig".

Sa Zhongtianmen, makikita mo ang diamond sutra na nakalilok sa malaking bato na may mahigit isang libong taong kasaysayan. Ang daan sa pagitan ng Zhongtianmen at Nantianmen, ay pinakamatarik at pinakabaku-bako. May cable car dito para sa kaginhawahan ng mga manlalakbay, pero, mawawalan na kayo ng interest kapag sumakay ng cable car. Sinabi ni 60 taong-gulang Ginang Liu na:

"Ikinalulungkot ko kung umakyat sakay ng cable car, minabuti'y umkyat kayo para lubos na mag-enjoy ng mga tanawin sa magkabilang panig ng hagdan."

Kung aabot kayo sa Nantianmen, biglang maging malawak ang inyong patingin. Nakatayo rito, nakakarinig kayo ng paghinhin ng hangin ng tag-lagas, tumitingin ng ulap sa gilid ng papawirin, at nanganganinag na budok, mawawala na ang lahat ng pagod sa takbo ng pag-akyat.

Patuloy na pasilangan, darating kayo sa masaganang tianjie, ito ang isang patag na lupa sa Bundok Tai at ginagamit ito ngayong komersyal na lugar, kung saan maaaring kayo kumain at magpahinga.

Ang turistang Amerikano na si Ginoong David Pratt ay 78 taong-gulang ngayon, at nagtuturo sa Jinan, punong lunsod ng Shandong, maraming beses siyang lumahok sa kapistahan ng pag-akyat ng Bundok Tai. Sinabi niyang:

"Maganda ang Bundok Tai, at mataas ito, mahirap itong aakyatin, pero, nabighani ako ng kasaysayan at kultura ng Bundok Tai."