Nitong ilang taong nakalipas, magkakasunod na ginamit ng Tsina ang maraming hakbangin para mapasulong ang gawain laban sa illegal copy at nagkamit ito ng malawak na pagtanggap ng daigdig.
Mula noong Hulyo hanggang Oktumbre ng tinalikdang taon, magkasanib na isinagawa ng sampung ministri ng Tsina ang malaking sandaang araw na aksyon laban sa illegal copy sa buong bansa at nang sa gayo'y maliwanag bumuti ang kaayusan ng pamilihan at pagkatapos nito, isinagawa din ng pamahalaang Tsino ang "pang-araw-araw na aksyon laban sa illegal copy" para pangmatagalang panatilihin ang malakas na pagbibigay-dagok sa infringement at illegal copy.
Aktibong lumahok naman ang Tsina sa mga kasunduang pandaigdig sa pangangalaga sa IPR, noong ika-9 ng Hunyo ng taong ito, pormal na nagkabisa sa Tsina ang "World Intellectual Property Organization Copyright Treaty" at "WIPO Performances and Phonograms Treaty".
Kaugnay ng pagkakatatag ng naturang sentro, sinabi ni Liu na,
"Ang paglaban sa illegal na copy, sa isang banda, ay kinakailangan ng konstruksyon ng sistemang pambatas at pagpapatupad ng batas ng mga organong administratibo at datapuwa't sa bandang huli, kinakailngan ang paghubog ng kamalayan ng mga mamamayang Tsino na tanggihan ang illegal copy at igalang ang kaalaman, trabaho at paglikha. Kaya ang pagkakatatag ng naturang sentro, katulad ng pagsaasgawa namin ng programa ukol sa edukasyon laban sa illegal copy sa mababa't mataas na paaralan, ay isang paraang pangedukasyon para maakit ang mga sibilyang maging edukado sa proseso ng paglaban sa illegal copy."
Ang pagkakatatag ng nabanggit na sentro ng pamahalaang Tsino ay nagkamit ng pagkatig at pagpari ng mga author.
|