• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-25 10:22:34    
Shangri-la sa Shangri-la

CRI
May maraming magandang tanawing natural sa loob ng Tsina. Ang pambansang parke ng Pudacuo sa Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina ay isang lugar na kilala-kilala dahil sa kanyang tanawing natural.

Ang Pudacuo, na nasa Bayang Shangri-la ng Lalawigang Yunnan, ay kauna-unahang pambansang parke sa mainland ng Tsina at ito ay isang bahagi ng world natural heritage--Three Parallel Rivers. Tinatawag ito ng mga mamamayan na "ang Shangri-la sa Shangri-la". Umabot sa halos 2 libong kilometrong kuwadrado ang kabuuang pambansang parke at sa loob ng tourist spot, may malinaw na plateau lake, malawakang kagubatan, damuhan at di-mabilang na halaman at hayop.

Ang Shuduhu o Lawang Shudu at Bitahai o Lawang Bita ay dalawang nukleong turist spots na bukas sa mga manlalakbay. Mula sa Bayang Shangri-la, tatakbo nang mga 1 oras ang sasakayan sa pasukan ng pambansang parke ng Pudacuo. Sa loob ng parke, dapat sumakay ng environment-friendly bus ang mga turista at ang unang hinto ay Shuduhu.

Nakakatayo ka sa tabi ng lawa, agarang nabighani ka sa tanawin sa paligid mo--asul na langit, puting ulap, makulay na bundok at kakahuyan, at anino ng bundok at langit sa lawa. Parang kang pumasok sa daigdig ng larawan.

May malawakang damuhan sa tabi ng lawa. Sinabi ni Dawazhuoma, tourist guide, na ang lugar na ito ay isang kilalang pastulan sa rehiyon ng nasyonnalidad ng Tibet:

"Dito ay isang pastulan sa tag-init ng aming Tibetano, mula Mayo hanggang Oktubre, nagpapastol kami ng yak sa pastulang ito."