|
Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Salamat uli kina Pomett Ann, Wilbert, at super-DJ Happy sa kanilang tulong para mabuo iyong Dear Seksiyong Filipino ko last week. Many, many, many thanks sa inyo.
Isa sa mga paborito kong mang-aawit na Chinese, Jacky Cheng, binubuksan ang ating munting palatuntunan sa awiting "Counting the Stars" na lifted sa "Are You Falling in Love" album. Huwag ninyong subuking bilangin ang mga bituin; aabutin kayo ng siyam-siyam.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ng short note ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Salamat sa ipinagkaloob mong impormasyon. Natingnan na ng doktor ang pamangkin ko. Nasa Shanghai pa siya hanggang ngayon pero malaki na ang improvement. Malaki ang tulong ninyo sa amin. Salamat at God Bless.
You are most welcome, Jane, at salamat din sa iyong patuloy na pakikipag-ugnayan sa amin.
Nakikilala ba ninyo ang tinig na iyan? Iyan ay tinig ni Rachelle Ann Go sa awiting "Bakit" na hango sa collective album na pinamagatang "You Are the One".
Tingnan naman natin itong short note mula sa Kowloon, Hong Kong. Sabi ni Myrna Calayco ng nabanggit na rehiyon: "Iyong mga firsthand information na ibinabahagi ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong pang-araw-araw na balita ay hindi namin naririnig sa ibang short-wave stations. Ito ay sariwa at diyan mismo sa Mainland nagmumula. Maski mga impormasyon sa inyong Usap-Usapan sa Tsina, Paglalakbay sa Tsina at Kulturang Tsino ay ganun din--firsthand. Sana ipagpatuloy ninyo ito dahil hindi lang ako ang interesado rito."
Salamat, Myrna. At sa ating pagpapatuloy, narito si Stefanie Sung sa kanyang "Berdeng Liwanag".
Mula sa album na pinamagatang "Saranggola", iyan ang awiting "Berdeng Liwanag" ni Stefanie Sung.
Tunghayan naman natin ang ilang SMS. Sabi ng 0090 533 232 3137: "Kumusta sa inyong walang-katapat na programa at sa mahirap malampasang Serbisyo? Malayu-layo na ang narating ninyo at malayo pa ang mararating.
Kudos sa Filipino Service ng China Radio International."
Sabi naman ng 0086 1352 023 4755: "Sa tingin ko very individualistic ang treatment ng Serbisyo Filipino sa mga tagapakinig nito. Sinisikap nitong mabigyan ng atensiyon ang bawat isa. Talagang "champion of the masses" ang Filipino Service."
Iyan naman ang Banyuhay ni Heber sa awiting "Tayo'y mga Pinoy" na hango sa "Best of Pinoy Folk" album.
SMS pa. Sabi ng 917 401 3194: "Nagsimula na rin ang one-year countdown sa Paralympic Games.Higit na kailangan ng palarong ito ang ating moral at material support."
Thank you so much.
At iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|