• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-29 16:23:27    
Pamilihan ng pangmaliitang kalakalan ng Dadeng sa Taiwan

CRI
"Ako ay galing sa Taiwan at pumunta ako sa Xiamen noong 2002. Sa kasalukuyan, nakatira ako at aking pamilya sa Xiamen kung saan nagpapatakbo rin ako ng negosyo."

Ang nagsalita ay si Madam Lin Lizhen, isang negosyanteng Taiwanes at ang lugar kung saan siya ay nagpapatakbo ng negosyo ay isang pamilihan sa Xiamen na tinatawag na "pamilihan ng pangmaliitang kalakalan ng Dadeng sa Taiwan".

Matatagpuan sa Dadeng Island sa dakong hilagang silangan ng Xiamen, ang pamilihang ito ay may kabuuang saklaw na halos 10 hektarya. Itinatag ang pamilihan ng pamahalaang Tsino noong 1998. Ito ang tanging pamilihan ng pangmaliitang kalakalan ng mainland sa Taiwan at pinaiiral dito ang isang serye ng espesyal na patakarang preperensyal hinggil sa kalakalan sa Taiwan. Sa kasalukuyan, may mahigit 500 tindahan sa pamilihan at ang kabuuang bilang ng laang-gugulin dito ay umaabot sa halos 45 milyong Yuan RMB. Binubuo ang pamilihan ng rehiyon ng transaksyon, mga bodega, daungan para sa mga bapor na pangkalakalan ng Taiwan at rehiyon ng serbisyo. Itinatatag din sa pamilihan ang mga regulatory organs na kinabibilangan ng adwana, departmento ng inspeksyon at kuwarentenas, himpilang panghanggahan, departmento ng industriya at komersiyo at iba pa at isinasagawa dito ang ganap na saradong pangangasiwa.

Kaugnay ng layunin ng pagtatayo ng pamilihang ito, sinabi ni Hong Qi, pangalawang puno ng konseho ng pangangasiwa sa pamilihan, na,

"Malapit na malapit ang Dadeng Island ng Xiamen sa Jinmen Island ng Taiwan. Noong araw, madalas ang pagpapalagayang pangkalakalan ng mga mamamayan ng magkabilang pampang, ngunit wala ito sa standard. Sa mga kadahilanang pangkasaysayan at pampulitika, hindi mabisang napangasiwaan ang walang kaayusang kalakalang ito na humantong sa mga ilegal na pangyayari. Ang layunin ng pagtatayo ng pamilihang ito ay pasulungin ang malayang sirkulasyon ng mga paninda ng magkabilang pampang sa isang takdang saklaw."

Ayon sa regulasyon, maaaring magpatakbo ng negosyo sa rehiyon ng transaksyon ng pamilihang ito ang mga negosyante ng magkabilang pampang bilang natural person at pinapayagang magbenta dito ng anim na uri ng mga paninda mula sa Taiwan na kinabibilangan ng pagkain, produkto mula sa hayop, pananamit, handicrafts, gamot at produkto ng magaang na industriya. Nakakapasok sa pamilihan ang mga paninda mula sa Taiwan nang walang import tax at maaaring makabili bawat araw ang bawat tao ng mga panindan mula sa pamilihan na nagkakahalaga ng isang libong yuan RMB nang walang buwis.

Napag-alamang sapul nang buksan ang pamilihan ng Dadeng, ibinebenta taun-taon mula dito ang maraming paninda ng Taiwan sa iba't ibang lugar ng mainland at hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, ang kabuuang halaga ng mga paninda ng Taiwan na naibento sa pamilihan ay lumampas sa 200 milyong yuan RMB. Ang mga panindan ng mainland sa pamilihan ay tinatanggap naman ng mga negosyante at turistang Taywanes. Kaugnay nito, sinabi ni Zheng Qijiang, isang taga-Xiamen at negosyante rin sa pamilihan, na,

"Ang mga paninda ng mainland na ibinebenta ko sa pamilihan ay, pangunahin na, mga produkto ng katad at mga kasuotan. Interesado ang mga mamimiling Taiwanes sa mga handbag na balat, kasuotan at relo dito."

Ayon sa mga negosyante sa pamilihan, dahil sa paghadlang ng awtoridad na Taiwanes, marami ang mga di-makatuwirang limitasyon sa mga negosyanteng Taiwanes para bumili ng mga paninda ng mainland mula sa pamilihan at magbenta ng mga ito sa Taiwan. Ito ay hindi lamang nakakaapekto nang malaki sa saklaw at lebel ng direktang pagpapalagayang pangkalakalan ng mga mamamayan ng magkabilang pampang, kundi nagdudulot din ng kawalang-kasiyahan sa mga negosyanteng Taiwanes. Ngunit, dahil angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng magkabilang pampang ang pamilihang ito, mabilis na umuunlad pa rin ito sa kabila ng naturang mga hadlang. Umaasa rin ang mga negosyante ng mainland at Taiwan sa pamilihan na sa pamamagitan ng ganitong kanilaang direktang aktibidad na komersyal, lalo pang mapapasulong ng mga magkakababayan ng magkabilang pampang ang kanilang pag-uugnayan at pagkakaunawaan.