"Dahil magagalitin karaniwan ang mga batang direktor at mapanglaw sila't emosyonal at ang emosyon nila ang nakaapekto sa kanilang pelikula. Wala akong gayong emosyon at kaya wala ito sa aking pelikula. Samakatuwid, ipinalagay ng mga manonood na simple ako, ngunit wala akong gayong damdaming isang kabataang direktor ako."
Na-impresa siya ng kanyang pelikula. Ipinalagay ni Chan na bilang isang tauhang nagtatrabaho sa larangan ng pelikula, ang pinakanakaantig-damdamin ay umupo sa isang sinehan katabi ng ilangdaan o ilanglibong taong di-kilala para manood ng iisang pelikula.
Pareho ang reaksyon ng lahat ng manonood sa iisang lugar, masaya, malungkot. Iba't iba ang kanilang edad at iba't iba ang karanasan, ngunit napaaantig sila ng isang pangyayari sa isang lugar. Ito nga ang epektong gustong matamo ni Chan.
Ang "Perhaps Love" ay isa pang pelikulang nagtulak kay Peter Chan sa kasukdulan ng kanyang karera. Nominado siya sa ika-25 pinakamahusay na direktor ng Hong Kong at natamo ang premyo pinakamahusay na direktor sa ika-43 Golden-Horse Awards. At hinggil sa katangian ng kanyang pelikula, sinabi ni Chan na:
"Hindi kailama'y magiging pelikulang pansining ang aking pelikula, hindi ibinigay ko ang maraming espasyo sa mga manonood para mag-isip. Direktang ipinakikita ng aking pelikula ang iniisip ko."
Kahit nakakaramdam siya minsan ng pagod, ikinasisiya niya pa rin ang kanyang paboritong usapin. Sinabi niyang:
"Abalang-abala ako sa kompanya ko at wala akong oras na mag-isap mabuti, dahil mabigat ang trabaho ko sa pamamahala sa produksyon ng maraming pelikula."
|