|

Ayon sa pagsalaysay ng mga pastol na lokal na ang damo rito ay mayaman-yaman sa nutrition, kaya malaki ang output ng gatas at malapot. Pagkaraang umikot ng lawa, maaari kayong magpahinga sa restawran sa loob ng parke. Maganda ang tanawin na malapit sa retawaran at habang kumakain, magkapagpapasasa kayo ng masikit na tanawin. Isinalaysay ni Lv Gang, punong kusinero ng restawran na:

"Ang mga sangkap ng ulam na inihain namin ay pangunahin na, karne ng yak, dahil ang lugar na ito ay pinaninirahan ng mga Tibetano. Kumakain kami, pangunahin na, ng karne ng yak, ligaw na mashroom na gaya ng matsutake at iba pang unang klase na bagay."
Ang restawaran sa parke na binuksan noong Agosto ng tinalikdang taon ay tanging lugar para paglilingkod sa mga turista sa loob ng parke. Para mapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal ng parke, ang lahat ng basura ay ihahatid palabas ng sasakyang de motor.

Makapaglalakbay ka ng Bitahai sakay ng bapor. Malinaw na parang kristal ang tubig ng lawa at makikita mo ang grupu-grupong isda sa ilalim ng mahigit 10 metrong tubig. Sa paligid ng lawa ay may tubong kakahuyan ng azalea. Tuwing Dragon Boat Festival, namumukadkaran ang mga azalea. Ayon sa alamat, pagkaraang lunukin ng mga isda ang lagas na talulot ng azalea na may kaunting lason, nakakalulang ang mga ito nang isa o dalawang oras sa ibabaw ng tubig parang nalalasing, dahil dito, kilalang kilala ang tanawing ito sa Bitahai.
Pinapagdanas ng ganda ng kalikasan ng misteryosong alamat, at buong kapaligirang ekolohikal ang mga manlalakbay. Pagkatapos ng kanyang paglalakbay, sinabi ni Cheng Linfeng, isang turista na:

"Ang galing ng mga lawa, tubig at bunok. Mariktang tanawin, ibang-iba ang damdaming ito sa lunsod."
Para sa mga mamamayan sa lunsod, talagang isang magandang purok ang pambansang parke ng Pudacuo para makaranas ng primitibo at natural na ganda at mag-relax.
|