• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-31 15:54:23    
Kaserola ng manok at patatas

CRI

Mga sangkap

1 chicken leg
8 red dates
6 na patatas
20 gramo ng soy sauce toyo
4 na shiitake mushrooms
5 gramo ng cooking sherry
1 scallion (tinadtad nang pino)
5 gramo ng asukal
2 hiwa ng luya
500 gramo ng tubig

Paraan ng pagluluto

Tadtarin nang maliliit ang chicken leg at ibabad sa lo gramo ng toyo sa loob ng 20 minuto. Palanguyin sa mantika sa loob ng 5 minuto hanggang maging brown, tapos alisin.

Talupan ang mga patatas at hiwa-hiwain nang kahit papaanong hiwa, palanguyin sa mantika sa loob ng 5 minuto hanggang maging brown, alisin at ilagay sa kaserola.

Mag-init ng mantika sa kawali igisa ang tinadtad nang pinung-pinong scallions at ang luya hanggang sa bumango. Ihulog ang manok at shiitake mushrooms tapos haluin sandali. Ilagay ang natitirang toyo at ang cooking sherry, asukal at sili bago bugusan ng 500 gramo ng tubig. Lutuin sa loob ng 10 minuto. Ilipat sa kaserola na naglalaman ng patatas. Lutuin hanggang sa lumambot ang manok at patatas. Isilbi.