• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-31 15:54:42    
Peter Chan at ang kanyang mga pelikula

CRI

Ang 45 taong gulang na si Peter Chan ay isang direktor ng pelikula ng Hong Kong na natamo ang pinakamaraming gantimpala, samantala, tinuklas at sinuporta niya ang maraming batang direktor na Asyano.

Nag-aral si Peter Chan sa kolehiyo ng pelikula ng Los Angles ng University of California at nagmedyor sa pelikula. Bumalik siya sa Hong Kong pagkatapos ng kanyang pag-aaral at nagkasanib na itinatag nila ng kanyang kaibigan ang UFO Kompanya ng Pelikula na matagumpay na ginawa ang ilang pelikula.

Noong 1994, nagtagumpay ang kanyang pelikulang "He is a Woman, She is a Man". Isinalaysay ng pelikula ang kuwento hinggil sa sirkulong cultural at pansining. Bagama't sinundan ng pelikula ang modelo ng popular na entertainment movie, ngunit puno ito ng bagong ideya.

4 buwang pagkatapos ng pelikulang ito, natapos niya ang isa pang pelikulang "Almost a Love Story". Ginawang tulay ng pelikula ang awitin ni Deng Lijun, bantog na kantor sa Taiwan, para ipakita ang pag-ibigan ng pangunahing tauhang babae at lalaki na tumatagal nang 10 taon.

Mahusay si Peter Chan. Ang pelikulang ito ay itinuturing na pinakamatagumpay na pelikula ng pag-ibig na naglarawan ng damdamin ng mga mamamayan sa tatlong lugar ng dalawang pampang ng Taiwan Straits noong nakalipas na halos 10 taon at natamo nito ang 9 na medalya sa Hong Kong Directors Guild.

Ngunit maraming tao ang nag-tataka kung bakit napaaantig ng gayong simpleng kuwento ng pag-ibig ang gayong karaming tao at nag-iisip sila, tila baka hindi kaya ng isang kabataang direktor na makagawa nito.