Ang nayon ng Sixi ay nagiging tahanan ng angkang Yu sa loob ng ilang henerasyon. Ang maraming naiibang arketektura ng Anhui ay siyang kinarororoonan ng maraming mahuhusay na lilok at iba pang ancient trinket. Ang pinakakahanga-hangang bahay sa nayon ay ang Jingxu (Reception Order) Hall, ang marangal na tahanan ng isang iginagalang at mayamang pamilya. Naninirahan pa rin dito ang ika-4 na henerasyon ng naturang pamilya. Ang residensiyal na gusali sa Sixi ay protektado ng pamahalaan.
Puwede tumira dito ang mga occupant, pero, sa kabiguan ng maraming kolektor, hindi nila puwedeng ipagbili ang alinmang sa mga matandang relikya. Isinasagawa ng mga tagarito ang kanilang pang-araw araw na aktibidad sa kalagitnaan ng ancient setting na ito. Ang ilan ay gamagawa ng tinapay, ang iba'y abala sa paglalaba, samantalang ang mga pakatatanda ay nagpaphinga habang naninigarilyo at nanonood ng kanilang paboritong palabas sa TV. Nitong mga araw na ito, hindi na kataka-takang tanawin sa Sixi ang mga turista. Madalas silang nakikitang kasalo sa pagkain ng mga mababait na tag-rito.
Nasa Sixi din ang "Larawan ng 100 Longevity", isang compound kung saan ang titik Tsino ng longevity ay inilalarawan nang 100 beses. Ang 96 ng mga titik ay nakaukit sa din door-ang ibang apat pa ay nakatago na isang hamon sa mga bisita na hanapin iyon. Nahanap naming ng may-ari ng bahay na ang kaayusan ng tirahan ay katulad ng sa titik Tsino para sa longevity.
Ang ngayong Likeng ay isang kulompon ng mga bahay na itinayo sa kahabaan ng isang sapa, sinasabing siyang pinakamatanawin at marikit na nayon. Ang sapa ay may dalawa o tatlong metrong lapad, at pumapalibot sa iba't ibang tangos sa pamamagitan ng mga pansamantalang tulay. Madalas na makakakita ng mga asong nakahilata sa mga tulay, habang pinagmamasdan ang mga dumaraang turista.
|