• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-06 19:33:46    
Tradisyon ng panonood ng dambuhalang alon

CRI
Kabilang sa mahihilig sa panonood ng paglaki ng tubig si Ding Zuguang. Itinala niya sa pamamagitan ng potograpiya ang kababalaghang ito sa loob ng 27 ng 61 taong pamamalagi niya sa Haining, at kitang kitang kinikilig pa rin siya sa tuwa tuwing naaalaala ang pinakamalaking alon na nasaksihan niya noong 1970's. Naaala-ala pa niyang "mula sa malayo tila isa itong bundok na tumatakip sa kalangitan at sa mundo. Isang mahirap ilarawang tanawin!"

Ang kabalintunaan ng kababalaghang pangkalikasang ito ay ang patuloy na pananalasa nito sa buhay ng mga tao at sa industriya. Nagtayo ang mga mamamayan ng haining ng Scale River Wall-isang dikeng ginawang parang mga kaliskis ng isda-noong panahon ng paghahari ni Qing Emperor Qian Long (1736-1796), at matibay pa rin ngayon gaya ng dati. Noong 1998, pinagtibay pang lalo ang dahilis na dike ng ilog, upang makatagal sa pinakamalaking darating na baha ng siglo.

Gayuman, ang kagila-galilalas na paglaki ng tubig sa Haining ay isang biyaya sa local na ekonomiya sapagkat umaakit ito ng maraming turista. "May ilang ilog sa daigdig na may kahanga hanging daluyong, na kinabibilangan ng Amazon river at Colorado River, subalit walang isa mang ang maikukumpara sa Qiantang River, kung baga sa taas, bilis at kaleidoscopic changes habang lumalaki," ang sabi ni Zhou Lingqiang, pangalawang puno ng Tourism Institute ng Unibersidad ng ZheJiang.