• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-07 21:19:11    
Igisang hipon

CRI

Mga Sangkap

1,000 gramo ng hipong-tabang na may itlog
1 puti ng itlog
25 gramo ng cooking wine
4 na gramo ng asin
3 gramo ng tinadtad nang pinong scallions
3 gramo ng tinadtad nang pinong luya
10 gramo ng dry cornstarch
15 gramo ng pinaghalong cornstarch at tubig
60 gramo ng langis na panluto
50 gramo ng tubig

Paraan ng pagluluto

Hugasan at patuluin ang shrimp roe.

Ilagay ang shrimp roe sa kawali, lagyan ng 10 gramo ng cooking wine, halu-haluin sandali na parang naggigisa tapos itabi muna.

Alisin ang mga ulo ng mga hipon at pakuluan. Pag matigas na alisin sa tubig. Balatan ang mga ulo at itabi muna ang red brains para mamaya.

Alisan ng shell ang mga katawan ng mga hipon, hugasan ng distilled water at patuluin. Lagyan ng 2 gramo ng asin, puti ng itlog at cornstarch.

Mag-init ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Igisa ang hipon bago alisin.

Ibuhos ang natitirang 10 gramo ng langis sa kawali.

Ihulog ang luya, scallions, shrimp roe at shrimp brain at igisa. Lagyan ng 10 gramo ng cooking wine, 2 gramo ng asin, at 50 gramo ng tubig at pakuluan.

Palaputin sa pamamagitan ng cornstarch at water mixture, ilagay ang mga hipon, haluin, budburan ng sesame oil at isilbi.