|
Sa paglalakbay sa Tsina, madalas kong nararamdamang tila ako'y nasa mahigit isang bansa. Sinumang Tsino ay sasang-ayong di-bababa sa dalawang lugar ang maaaring alisin pa liban sa commercial cosmopolis ng Shanghai at cultural treasure trove ng Lijiang. Gayun ang naramdaman ko nang dumalaw ako kamakailan sa biglang yamang lalawigan ng Guangdong, kung saan ang diyalekto at pagkain ay kaibang kaiba ng sa sinasalita at kinakain sa Beijing, at kung saan may kaunting kaibhan pa man din sa hugis ng mukha. Pero napawi ang kalituhang sa aking kauna-unhan sa maraming ulit na pamimili sa mainit na katimugan sa pamamagitan ng RMB--pera ng mga mamamayan ng Tsina.
Ang Lalawigang Guangdong ay isang paraiso ng mga mamimili, at nag-ooperate ng mga tour na nakaton sa preferred pursuit na ilang milyon. Sa halip na magtungo sa mga lugar na pangkasaysayan o pangkultura, nag-ooffer sila ng pagbabago upang makita ang bagong Tsina tulad ng sa loob ng 20 taon mula ngayong-mamayan, sagana, at kontento. Ang tatlong pangunahing lunsod na dapat makita sa gayong tour ay ang Guangzhou, Shenzhen at Zhuhai.
Ang Guangzhou ay kilala rin sa tawag na Ram City, isang epithet na ipinagdiriwang ng Five-Ram Monument na nakatirik sa ibabaw ng Yuexiu Hill. Pinararangalan nito ang alamat na sa nakaraang mahabang panahon, may limang diyos na nakasakay sa limang lalakeng tupa, na bawat isa'y may kagat-kagat na punla ng palay ang bumababa mula sa langit. Muli itong nagbigay tiwala sa mga sinaunang residente ng ngayo'y Guangzhou na hindi kailanman malalaman nila at ng kanilang mga inapo kung ano ang tag-gutom, at ang hulang ito'y pinatunayan ng kasalukuyang nagaganap na prosperidad ng Guangzhou.
Ang Gungzhou ay may mga bagay na makalilibang sa bagong sibol na milyonaryong Tsinao: mararangyamang hotel, golf course, water park at maraming iba pa. Alam na alam ko na ngayon ang mga leisure pursuit na may kinalaman sa kayamanang may katangiang Tsino. Ang White Tiger Restaurant sa Chym Long Safari Complex ay nagsisilbi ng napakabuting pagkain, pero ang kahanga-hanga sa lahat ay ang mga mesa nitong inayos upang makita ang buong pamilya ng mga putting tigre, bilang ganti, ay sumungaw nang walang ka-in-interes sa mga kumakaing nakapaligid sa kanila.
Ang isa pang kahanga-hangang lugar ay ang night zoo ng Guangzhou, ang ikalawang pinakamalaki sa daigdig. sa dapit hapon, ang mga bisita ay maaaring sumakay sa isang open bus na nagbibigay ng malinaw na tanawin ng tila gising na gising na mga hayop. May nakita akong mga panda, leon at tigre, at saka mga antelope at giraffe na lumalapit sa amin nang halos maaaring hipuin. Walang hadlang sa pagitan ng mga bisita, leon at leopardo liban sa isang makipot at mababaw na ilog.
Nagtataka ako kung bakit hindi tinangka ng mga hayop na tumakas o kaya'y sugurin ang mga usyosong turista, at wala akong nakamit na kasiya-siyang paliwanag. Gayunman, buhay na buhay ako at nasa mabuting kalagayan, at hindi kailanman nagkaroon ng ulat na may mga nakawalang cheetah o tigre. Maaari ko lang ipalagay na ang mga tagapag-organisa ng zoo ay may divin link kay St. Francis ng Assisi.
|