• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-08 10:46:35    
Matutuklasan ang Kaharian ng Guge

CRI
Ang Guge Kingdom sa Ngari, Tibet, ay tinalakay sa loob ng archeological circles sa mapitagang tonong gaya ng sa Mayan Civilization at Pompeii. Ang pagkakapareho ng tatlo ay ang biglaang pagkawasak habang nasa kanilang tugatog at ang paglalaho sa mundo sa loob ng ilang siglo. At nang mahukay ay nagtagpuang pawing mahiwaga ang kalagayang napakainam ang pagkakapreserba.

May mahigit sampung tahanan ang nakakalat sa paligid ng mga guho ng sinaunang kaharian, walang isa man ang may kaugnayan sa mga dating naninirahan dito. Pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon kung papaanong nagkaroon sa kahariang ito ng 100,000 naninirahan may 350 taon na ang nakaraan.

Ang mga guho ng Guge Kingdom ay nasa western Tibet sa isang nakabukod na plateau na may taas na 4,000 metro above sea level. Ang mga labi ng isang dating kahanga-hangang lunsod, na binubuo ng 897 cave dwelling, 445 bahay, 58 fort at 28 pagoda ay nakartirik sa isang may 300 metrong taas na burol sa tabi ng Xianquan River sa Zanda Country.

Ang makipot na daan mula sa lunsod ay patungo sa itaas ng Tara Hall, White and Red Temples at Daweide (Grand Dignity and Virtue) Hall. Ipinakikita ng mga mural sa White Temple ang family trees ng mga hari ng Tubo, Cuke at India, at sinasalamin ng Red Temple frescos and mga pangyayari at sermonyang pangrelehiyon.

Ang kapansin-pansin sa lahat ay ang masayang patatagpo na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng mga sayaw na may akompanya ng mga tambol at tambuli sa karangalan ni Ngari King Yeshe Od at Indian Buddhist master Adisha noong 1038. Makakatagpo sa Daweide Hall ng mga larawan ng mga tanod ng Buddha na nakapinta sa mga pader, mga kabalyero at diyos ng digma. Sa kabila ng paglipas ng mga siglo, matingkad at makislap pa rin ang kanilang kulay, at ang mga madetalye at mabulaklak na dekorasyon ng mga larawan at mga pambihirang connotation ng Esoteric Buddhism ay nakapagpapagunita sa India, Nepalese at maging sa Islamic art.

Ang daan paakyat ng burol ay nasaaslikupan ng maraming matatarik na dalisdis na nagsisilbing mga tanggulan. May natuklasang mga armor shield, espada, balaraw at pana sa mga kuweba sa tabi ng burol, na pawing nasa mabuting kalagayan salamat sa tuyong klema ng rehiyon.