Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Okay ang mensahe ni Manuela ng Makati. Sabi niya: "Dapat tularan natin ang mga programs ng China sa family planning para maiwasan ang paglobo ng ating populasyon at saka programs ng China sa environmental protection para hindi mabugbog ang sarili nating kapaligiran."
Iyan, narinig ninyo ang ating opening number, "The Power of Love" ng F.I.R. Ang track na iyan ay lifted sa album ng grupo na pinamagatang "Unlimited".
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino.
Okay din itong mensahe ng 910 336 5511. Sabi: "Para makatulong tayo sa pagpigil sa climate change, let's go zero waste. Ihanap natin ng paggagamitan ang lahat ng bagay na nagamit na natin."
Thank you. Korek na korek ka diyan.
Mula sa album na "Jazz Moods Vol 1", iyan naman ang tugtuging "Cantaloop" ng US3.
Sabi ni Alex Roman ng Dinalupihan, Bataan: "Tama ang sabi ng listener mo. Hindi mawawala ang mga produktong made in China sa tindahan. Nanggaling ako sa Quiapo at Sta. Cruz districts last week at tambak ng made-in-China goods ang mga tindahan. Ito ay paghahanda nila sa nalalapit na Kapaskuhan. Mabili kasi ang mga karaoke at videoke kung Pasko at Bagong Taon."
Thanks sa information, Alex.
Sa ating pagpapatuloy, narito ang awiting "Munting Pagmamahal sa Malaking Lunsod".
Iyan naman ang magandang tinig ni Lee Hom Wong sa awiting "Munting Pagmamahal sa Malaking Lunsod" na mula sa album na pinamagatang "Mga Bayani sa Mundo".
Sai ni Jennifer ng R. R. Landon, Cebu City:'Sana mag-interbiyu ka naman ng Chinese singers o Chinese movie stars para magkaroon kami ng alam sa buhay ng mga Chinese entertainers at sa style ng mga pelikulang gawa ng mga Chinese movie directors."
Thank you, Jennifer. Tingnan natin, ha?
Iyan naman ang batikang clarinetist na si Acker Bilk sa kanyang instrumental version ng awiting "Night and Day". Ang tugtuging iyan ay hango sa album na may pamagat na "Clarinet Moods".
May SMS si Dr. George Medina ng Nakar, San Andres. Sabi niya: "Itigil ang paninigarilyo. Mas maaga mas mabuti. Tulong na sa kapaligiran, tulong pa sa sarili."
Thank you so much, Dr. George Medina. Si Dr. Medina ay isang clinical psychiatrist.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|