• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-12 15:33:01    
Nobyembre ika-5 hanggang ika-11

CRI
Hinggil sa pagdalaw ni Ibrahim Gambari, espesyal na sugo ng pangkahatang kalim ng UN sa isyu ng Myanmar, ipinahayag noong Martes ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na umaasang matatamo ang tagumpay ng pagdalaw na ito, ngunit, ang isyu ng Myanmar, sa bandang huli, ay dapat lutasin ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar. Sinabi ni Liu na umaasang magpapatingkad ng konstruktibong papel ang komunidad ng daigdig para magbigay-ambag sa pagpapatupad ng pambansang rekonsilyasyon, katatagan, demokrasya at kaunlaran ng Myanmar sa lalong madaling panahon. Ipinahayag pa niyang kinakatigan ng panig Tsino ang ASEAN na patingkarin ang papel sa pinal na paglutas ng isyu ng Myanmar.

Nilagdaan noong Sabado sa Jakarta ng Tsina at Indonesiya ang Memorandum of Understanding hinggil sa kooperasyon sa larangan ng dagat na sumasang-ayong palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang ito. Ayon sa naturang MoU, magsasagawa ang dalawang bansa ng kooperasyon sa mga larangan ng siyentipikong pananaliksik at pagsusuri sa dagat, paggagalugad at pananaliksik sa enerhiya sa dagat, siyentipikong pananaliksik sa South Pole, pangangalaga sa kapaligiran ng dagat at purok-baybayin, pagdadalawan ng mga opisyal ng pamahalaan at siyentista, pagpapalitan ng mga impormasyong tulad ng materyal at bunga ng pananaliksik, magkasanib na pag-oorganisa ng symposium at pagsasanay at iba pa. Sinabi ni Sun Zhihui, puno ng Pambansang Kawanihan ng Dagat ng Tsina, na ang paglalagda ng naturang MoU ay isang masusing hakbang ng Tsina at Indonesiya tungo sa matagumpay na kooperasyon sa larangan ng dagat, at ito ay isa ring paladantaan na ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangang ito ay maging pangmatagalan, matatag at mekanismo.

Sa malapit na hinaharap, magkakaroon ang Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina at lugar na pinagdarausan ng China ASEAN Expo, ng apat na regular direct flights sa ilang lunsod ng mga bansang ASEAN. Napag-alamang naisaoeprasyon na noong isang linggo ang dalawa sa apat na linyang ito na mula Nanning patungong Singapore City at Kuala Lumpur at ayon sa plano, maisasaoperasyon sa huling dako ng buwang ito ang dalawa pang linya na mula Nanning patungong Maynila at Jakarta.

Ipinatalastas noong Araw ng Linggo sa Macao ng namamahalang tauhan ng Malaysia Airlines sa rehiyon ng Tsina na naisaoperasyon na nang araw ring iyong ng kanyang kompanya ang bagong flight sa pagitan ng Macao at Kuala Lumpur ng Malaysia. Sa kasalukuyan, may 4 na round-trip flights bawat linggo ang naturang linya.