• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-12 15:34:13    
Rainbow Bridge sa Nayon ng Qinghua

CRI
Sa Qinghua, ang Rainbow Bridge ay madalas na tawaging pinakamagandang covered bridge sa bansa, Bagama't itinayo ito may 800 taon na ang nakaraan, noong panahon ng Southern Song Dynasty, matatag pa ring nakatayo ang tulay gaya ng dati, at ginagamit ito ng mga taganayon araw araw.

Upang makarating sa tulay, kinakailangang dumaan sa pinakamatandang iskinita sa Wuyuan. Itinayo noong Tang Dynasty (618-907), masyadong makipot ang iskinita kaya kinakailangang tumabi kapag may ibang dumaraan. Ang pader sa makabilang panig ay natatakpan ng makapal at basang lumot, samantalang gumagapang palabas ng mga tagong sulok at biyak na pader ang mga damo at ligaw na bulaklak.

May 140 metrong haba at pitong metrong lapad, ang Rainbow Bridge ay isang architectural masterpiece na kinabibilangan ng limang korehidor at anim na pabilyon, Tinatawag din ito ng mga tagarito na Corridor and Pavillion Bridge. Perpekto pa rin ang kondisyon ng tulay, na nakaligtas maging sa isang malaking baha noong 1945.

Ayon sa aming tour guide, lagging nananatili ang Rainbow Bridge sa ibabaw ng water level salamat sa isang kalapit na dikeng baton a nakatulong sa pagkontrol sa baha, pagkontrol sa banlik at pagtiyak na mabubuhay ang aquatic life ng ilog at pangangalaga ng ilang taon, ang mga batang puno ay nagsilaki at naging isang malabay na kagubatan, at kumalat na sa bong kabundukan. Pinasimulan ng ilang taganayon ang pagputol sa mga punong kahoy sa illegal na paraan. Isa sa kanila ay ang anak mismo ng puno ng nayon.

Nang malaman ang ginawa ng kanyang anak, iginapos ito sa isang puno ng nayon, pagkatapos ay kinaladkad ito hanggang sa ancestral hall at binitay sa harap ng lahat ng taganayon. Ang illegal na pagputol ng punong kahoy ay agad natigil, at ang mga puno ay kumalat sa lahat ng gilid ng bundok.

Ang Wuyuan ay isang lupanin sa Tsina kung saan makatigil ang oras. Sa paghintong sandali sa ibabaw ng matandang tulay habang ang mahinang patak ng ulan ay tamatalbog mula sa agos, makapaglalayag ang mga bisita sa mga ilog tungo sa isang panahon ng mapayapang nayon ng katiwasayan. At kapag binanat nila ng kanilang taynga, tila maririnig nila ang mga kaluluwa ng mga matagumpay na negosiyanteng nagmamadali sa kanilang pagbabalik ng baying tinubuan sakay ng mga kabayong halos makuba sa bigat ng mga ginto.