• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-13 16:19:50    
ang kuwento hinggil sa pagsisimula ng negosyo ng isang babae ng lahing Kazak

CRI
Ang lahing Kazak at Uygur lokal ay may kani-kanilang natatanging estilo at ugali sa pang-araw-araw na pamumuhay, kaya, nagsagawa si Mahire ng kaniyang bagong ideya ng serbisyo sa household management batay sa katangiang ito.

Upang aktuwal na tupdin ang kaniyang bagong ideya at ipagkaloob ang de-kalidad na serbisyo, ipinalalagay ni Mahire na ang kaniyang stuff ay dapat makatugon sa mataas na kahilinggan ng modernong household mangement.

Sa kasalukuyan, may 9 na kawani ang kompanya ni Mahire at ang lahat ng mga ito ay university graduates. Kinumpirma ng katotohanan na matagumpay ang kaniyang hakbanging ito. At nalaman ng buong lunsod ng Yining ang kaniyang kompanya na ang amo at lahat ng mga kawani nito ay university graduates. Sinabi niya sa wikang Kazak na: "Lagi kong sinabi sa mga kawani na unang una, dapat tumpak na tasahan ang sarili nilang katayuan na ang mga nagtapos ng unibersidad ay karaniwang manggagawa lamang at ang anumang trabaho ay pareho, walang diperensya na mataas o mababa ang katayuan, basta lamang makakabuti sa lipunan at pag-asenso ng kanilang sarili."

Edukado lahat ang mga kawani, salamat rito, yumabong nang yumabong ang kompanya ni Mahire at tuwang-tuwa siya na nagbago na ang pakikitungo ng nanay niya sa pagbitiw niya sa tungkulin.

Sinabi ni Mahire na naniniwala siyang tiyak na matatamo niya ang taos-pusong papuri ng kaniyang nanay sa kaniyang gawain sa hinaharap sa pamamagitan ng kaniyang aktuwal na pagsisikap.