• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-14 16:26:12    
Romantikong Lunsod ng Zhuhai

CRI
Ang ikalawang kong tinigilang lugar ay ang Zhuhai na matatagpuan sa pagitan ng South-China seashore at mga pampang ng Pearl River. Ang batang lunsod ng harding ito ay umaakit ng 11 milyong turista kada taon, at siyang tarangkahan patungo sa Macao, na gaya ng Shenzhen tungo sa HongKong. Isa rin itong Special Economic Zone pero ang maraming baybaying dagat nito ay hindi angkop para sa mga manlalangoy dahil mabuhangin ang tubig nito na naging yellow-brownish ang kulay. Gayunman, ang 100 isla na malayo sa baybayin ng lunsod, ay may mapuputing buhangin, palm tree at malinaw na asul na tubig, kaya tinawag ang Zhuhai na Lunsod ng Romance.

Ang pangunahing 13 kimometrong habang thoroughfare ng Zhuhai, Lover Avenue, ay bumabagtas sa buong lunsod. Pinangalan ito sa karangalan ng isang alamat hinggil sa isang mangingisdang babae, na ang estatuwa nito, na nakataas ang kamay na may hawak ng isang perlas, at nakatayo sa matanawing Xianglu Bay, at siyang pangunahing landmark ng Zhuhai.

Ikinukuwento ng alamat ang anak na babae ng haring dragon na masyadong nabighani ng kariktan ng Zhuhai, kaya ipinasiya niyang bumaba ng langit at manirahan dito, na nagbalatkayong anak na babae ng isang mangingisda. Di naglaon ay umigit siya sa isang sisne na nagngangalang Hai Peng at ipinasiya nilang magpakasal. Pero may ilang taganayon ang naghihinalang hindi siya isang karaniwang babaeng mangingisda.

Bilang sagot ni Hai Peng sa mga bulung-bulungang ito ay initusan niya ang kanyang kasintahan na hubarin ang kanyang pulseras na lagi niyang suot. Sa paggawa niyon ay kagyat siyang namatay, sapagkat ang pulseras ay kanyang agimat at tagapag-alaga. Halos mawasak ang puso ni Hai Peng sa pagkamatay nito.

May isang immortal na nagngangalang Jiushou Elder ang masyadong nabagbag ng paghihinagpis nito kaya ipinangako niyang lilikha ng isang elixer na bubuhay mula sa kanyang kasintahan, ang isa sa mga sahog nito ay isang klase ng halamang gamot na nangangailangan ng sariwang dugo upang lumaki. Walang pag-aalinlangang inalagaan ni Hai Pen ang halamang gamit sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo, at nang mayari ang elixer, ay ipinainom sa kanyang kasintahan at nabuhay muli. Pagtatapos ay nagpakasal ang dalawa at namuhay nang maligaya magpakailanman. Sa katunayan di kukulangin sa tatlo ang bersiyon ng kuwentong ito, subalit iisa lang ang may masayang katapusan, at ang Zhuhai ay hindi siyang pinangyarihan ng trahedya.

Kabilang sa mga pleasurable pursuit nito ay ang isang range ng spas, na pawang itinayo sa paligid ng natural hot spring ng Zhuhai. Binubuo ng maliliit na pool ng mga natural hot mineral water na kung saan dinadagdagan pa ng mga halamang gamot tuwing ikatlong oras. Ang therapeutic niyon ay pinaniniwalaang nakakabuti sa serkulasyon, upang maibsan ang pananakit ng kallamnan at nakakatulong sa panunaw. Kilala sa lahat ang Imperyal Hot Spring, na ipinalalagay na dating resort ng mga emperador at kanilang mga concubine. Mayroon ding iba't ibang klase ng masahe, na kinabibilangan ng pagbabalot ng putik sa katawan.