• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-15 19:15:35    
Pompeii ng Tibet

CRI
Ang imperyal compound na binubuo ng mahigit sa 40 estrukturang putik at kahoy ay nakatirik sa ituktok ng burol. Ang mga gusali ay may pantay na atip, na mga isa, dalawa at tatlong palapag na may lawak na 12 hanggang 18 metro kuwadrado. Ang palasyo ay nasa gawing timog silangan ng lugar. Ang mga labi ng pinakamalaking gusali nito, na isang 200 metro kuwadradong bulwagan ay ipinalalagay na siyang lugar kung saan tinalalakay ng hari at ng kanyang mga opisiyal ang mga suliraning pang-estado.

Ito'y may mga sahig na yari sa putik at baton a itinayo sa ibabaw ng mga pinatag na buhangin sa isang tradisyonal na Tibetan architectural techinique para sa mga sahig at atip na ginagamit pa rin hanggang ngayon sa maraming lugar ng Tibet. Sa dulong silangan sa itaas ng burol ay may isang tunnel na makipot ang pasukan na unti-unting lumalawak habang nagpapaliku-liko itong pababa na may habang 20 metro. Patungo ito sa hindi pa tapos na palasyo ng Guge King sa ilalim ng lupa.

Ang buong kapitolyong imperyal ay napaliligiran ng mga matatarik na dalisdis, kaya mahirap itong akyatin liban sa isang 50 merong habang paliku-likong daan na nagsisimula sa kalatatian ng burol. Hindi madaling gawin ang pag-akyat dito sapagkat ang mababa at nakaliwit na mga bato sa kahabaan ng daan ay tumatakip sa liwanag at napililitan ang mga mang-aakyat na lumakad nang nakayukod at kailangang nagpakaingat sa pag-akyat sa matarik at madulas na hagdanan. Tatlong oras ang kailangan para maakyat ang tuktok ng burol na may layong 300 metro.

Ang lugba Township sa silangan ng mga guho ng Guge City ay siyang pangunahing pinanggagalingan ng mga silver at gold ware na ginagamit ng Guge Kingdom. Ang Lugba ay nangangahulugang "tunawan" sa Tibetano. Dito sa bayang ito niyayari ang mga metal na estatuwa, pigurin at mga gamit na pangseremonya para sa 24 na kapilya ng Troding Monastery. Ang mga piguring Budista ay minomolde sa gold, silver at cooper alloy, at buong husay na minomolde nang hindi nag-iiwan ng anumang dugtong.

Ang Lugba ay siya ring tanging pandayan na yumayari. Noon lamang tag-init ng 1997 nang mahukay ang isa pang Guge Site saka lumantad ang estilong ito ng pigurin. May suot itong korona, may hawak na bagay na pansermonya ang apat na kamay, at nakatalungko sa isang lotus na trono. May tatlong kumikislap na pinilakang mata ang ginintuang bronseng mukha nito.

Ang mga bagong hukay na mga sculpture, carving at mural sa sinaunang Guge Kingdom sa nakaraang ilang taon, kasama ng mga pag-aaral ng kakaibang symmetry ng mga labi ng Guge City, ay nakatulong sa mga arkeologo sa pagbubuo ng kuwento hinggil sa nawawalang sibilisasyong ito.