• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-15 19:17:30    
Three Five Seven, Chinese Traditional Music

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Salamat sa mga kaibigan sa Baclaran, Pasay, Cavite, Batangas at Laguna sa kanilang pagbati sa 58th National Day ng China. Ipinaaabot ko ang pasasalamat na ito sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko sa Serbisyo Filipino.

Nakalimutan kong banggitin si Randolph Empredo ng Baguio City. Meron din siyang maikling mensahe para sa National Day. Thank you, Randolph.

Narinig ninyo ang tugtuging "Higher with Every Step" na hango sa Collection of Chinese Traditional Music" album ng CRI.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr, ang inyong loving DJ.

SMS mula sa 910 340 8695: "Binabati ko kayong lahat diyan sa Beijing ng "Happy National Day" at "Happy Moon Cake Festival". Sana ang National Day at Moon Cake Festival ay maghatid sa inyo ng magandang suwerte."

Sabi naman ng 917 483 2281: "Happy National Day sa China Radio Serbisyo Filipino! Alam kong magkakaroon ng magandang resulta ang inyong pagsusumikap.

Maraming-maraming salamat sa inyo.

"Come Good Fortune", mula pa rin sa collective album ng CRI.

Short note naman. Sabi ni Claire Santos ng Angeles City, Pampanga: "Kuya Ramon, hindi pa naman siguro huli ang bati kong happy National Day sa inyo. Kasabay na rin nito ang bati ko para sa Midautumn Festival. Talagang napakabilis ng panahon. Before you know it, Spring Festival na. At any rate, good luck sa inyong endeavors.

Buhat pa rin sa binabanggit kong collective album ng CRI, iyan ang tugtuging "Peking Opera Tune".

Tunghayan naman natin ang email ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz. Sabi niya: "Ang China ay nasa right track ng development. Hindi ito dapat mawala sa tamang daan kahit pa mabibigat ang mga kinakaharap nitong hamon. Nasa kanya pa rin ang huling halakhak pagdating ng panahon."

Salamat sa iyong remarks, Steph.

Sabi naman ng SMS mula sa 0086 1356 475 5772: "Kasama sa mga ipinagdiriwang ng China ang mga institusyon na tulad ng China Radio International na kaagapay ng bayan sa pagsulong sa kaunlaran."

Thank you.

At iyan naman ang "Three Five Seven" na buhat pa rin sa collective album ng CRI.

Bigyang-daan natin ang short note ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales. Sabi ng sulat: "Hindi maaring hindi ko kayo mabati sa inyong Araw na Pambansa. Matagal na akong nakikinig sa inyong serbisyo at matagal na akong kaibigan ng CRI at China. All-out support ako sa lahat ng inyong mga adhikain.

Asahan ninyo iyan!"

Salamat sa iyo, Pablo.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.