Ang Stone Stockade Village ay matatagpuan sa isang stockade village ng lahing Bu Yi sa Lalawigang Guizhou ng Tsina. Sa nakaraan, dahil sa kakulangan sa plantasyon at di-mainam na purok, ang nayong ito ay namalaging isang mahirap na mahirap na stockade village.
Nitong 10 taong nakalipas, sa pamamagitan ng espesyal na bentahe ng natural environment at yaman sa lokalidad, aktibong pinaunlad ng naturang stone stockade village at ng mga village sa paligid nito ang industriya ng turismo, at sa gayo'y nagbago nang malaki ang kalagayan ng nayon at pamumuhay ng mga taganayon.
Sa pagpasok ninyo sa nayong ito, makikita ninyo ang mga civilian housing na likha sa mga bato, at ang buong nayon ay nagmimistulang isang stone kingdom.
Si Li Qiansheng, 66 taong gulang na, ay host ng "cultural relic garden ni Lao Li o older Li" sa nayong ito. Si Li Qiansheng ay isang mamamayan ng lahing Bu Yi, at mahilig siya sa pag-aaral ng folk-customs at cultures. Ipinalalagay niyang mayroong sariling espesyal na katangian ang mga mamamayan ng lahing Bu Yi sa aspekto ng produskyon at pamumuhay.
Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pagiging parami nang parami ng mga manlalakbay sa naturang nayon, ipinasiya niyang buksan ang isang cultural relic garden ng lahing Bu Yi para idispley sa mga manlalakbay ang masaganang folk-customs and culture ng lahing ito.
Tatlong taon na ang nakararaan, nakumpleto ang naturang garden ni Li. Ang garden na ito ay may kabuuang saklaw na mahigit isang daang metro kuwadrado, at idinidispley ang lahat-lahat mahigit sa 400 cultural relics. Isinalaysay ni Li na:
"Dito, ang lahat ng idinidispley na cultural relic ay kultura ng lahing Bu Yi sa iba't ibang aspekto na kinabibilangan pangunahin na, ng mga tradisyonal na kagamitan, produksyon ng kagamitan, tradisyonal na kasuotan at iba pa."
Si Pan Youquan ay isa pa ring residente ng naturang nayon, at pagkatapos na maikasal, namumuhay pa rin niya kasama ng kanyang ama, ina at kapatid na lalaki. Sinabi ni Ginoong Pan sa reporter na noong nakaraan, dahil sa masamang kondisyon, nagsisikap ang kanyang buong pamilya para malutas lamang ang isyu ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at pananamit.
|