• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-20 20:23:22    
Ang kultura ng Madyong ng Tsina

CRI
Ang stick o kawayan ay kumakatawan sa sibat; ang tuldok ay kumakatawan sa kalasang; at ang karakter na wan ay mga sundalo. Ang mga hangin pasilangan, pakanluran, pahilaga at patimog ay pawang kumakatawan sa mga guwardia heneral ng apat na gate. Ang karakter na Zhong na bawat isa'y nangangahulugan ng sentro at Tsina, ay umaaktong komander at ang fa ay siyang opisiyal na nagpapatalastas ng mga kautusan ng mga superyor para sa lahat ng ranggo ng mga tropa. Ang mga black title ay nagpapakilala ng mga reserbang detachment.

Ang bawat manlalaro ay may 13 madyong. Ang layunin ng laro, na gaya ng sa gin rummy at poker, ay gumawa ng mga set upang kumita. Ang nanalo ay ang unang manlalarong nagpakita ng apat na set ng 3 madyong ay dalawang set na ganitong uri. Makakamit ang resulta sa iba't ibang paraan, nang alunsunod sa lugar ng Tsina na pinaglalaruan ng madyong, o lunsod na may maraming komunidad ng madyong.

Sa kauna-unahang paglalaro ng madyong ay makakaranas ng panghihina ng loob, lalong lalo na ang mga baguhang galing sa kanluran. Kdalasa'y hindi kailangang tingnan ng mga may karanasang manlalaro ang madyong na sa isang hipo lang ay alam na nila ang larawan nito. Ang tanging paraan para makapandaya ay ang magtago ng isang madyong sa ilalim ng manggas, kaya maraming lalakeng manlalaro ang hindi nagsusuot ng pang-itaas: sa isang banda ay masyadong mainit ang panaho, at sa kabilang banda naman ay para hindi makapagtago ng madyong. Alinsunod sa mga pormal na alituntunin, ang mga manlalaro ay hindi nakikipag-usap sa ibang tao liban sa kaniyang mga kalaro, at kumikilos sila nang mabilis at di-pabago-bago. Ang nanalo at natalo ay kakikitaan ng kaligayahan o kabiguan at ang napakahalaga ay walang manlalaro ang nagkakautang.

Ang madyong ay isa at laging isang laro ng pinagpapasiyahan ng kasuwertihan. Bagamay sa kasalukuyan, ang mga matches ay karaniwang pamalit ng cash. Kung minsan ay may pustahan sa maliit na halaga, pero ang pangunahing layunin ng laro ay ang kasiyahan ng loob o ang ibunubunga nito. Hindi ka yayaman sa paglalaro ng madyong sa Tsina, pero maari kang manalo nang sapat na ipambili ng beer o tsa para sa inyong kalaro.