• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-21 19:18:12    
Lupang-tinubuan ng mga dinosaur

CRI

Ang dinosaur ay isang kataka-takang bubay noong sinaunang panahon. Nag-iwan ito ng maraming hiwaga. Noong 70 milyong taon nakalipas, ang Erlianhaote, isang lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina, ay isang masaganang daigdig ng dinosaur. Ang aktibidad ng mga dinosaur ay nag-iwan ng mayamang fossil sa lokalidad. Sa palatuntunan ngayong gabi, mauunawaan namin ang katangi-tanging kultura ng dinosaur ng Erlianhaote.

Ang Erlianhaote na kahangga ng Mongolia ay isa sa mga rehiyon sa Asya na pinakamaagang natuklasan ang dinosaur egg fossil, at tinawag itong "lupang-tinubuan ng mga dinosaur".

Noong ika-9 na dekada ng nakaraang siglo hanggang sa kasalukuyan, magkakasunod na isinagawa ng mga palaeontologist at geologist ng Tsina, Rusya, Estados Unidos, Kanada at iba pang bansa ang 6 ulit na pagsasarbey at paghuhukay, at natuklasan ang mahigit 10 uri ng dinosaur fossil. Naging itong tesorerya ng yaman ng dinosaur fossil sa antas ng daigdig, at nakakahikayat ng mga palaeontologist sa iba't ibang rehiyon ng daigdig at mga karaniwang turistang may-gusto sa dinosaur. Isinalaysay ni Ginoong Sun, puno ng departamento ng propaganda ng Komite ng Erlianhaote ng Partido Komunsita ng Tsina na,

"Sa kasalukuyan, lumalakas nang lumalakas ang impluwenisyang panlabas ng aming lunsod bilang "lupang-tinubuan ng mga dinosaur". Ito ay isang tampok ng pag-unlad ng industryang panturista ng lunsod namin, at napakalaki ng nakatagong lakas nito."

Nang pumasok sa lunsod na ito sakay ng kotse, makikita ninyo ang isang napakalaking tarangkahan na binuo ng 2 istatuwa ng dinosaur, at 6 na kilometro ang layo nito sa lunsod. Ayon sa alamat, pinakamalaki sa Tsina, maging sa buong daigdig, ang 2 kataka-takang istatuwang ito. Wari nitong ipinaalaala sa mga turistang dumating na sila sa "lupang-tinubuan ng mga dinosaur".

Sa rehiyon ng lunsod na ito, maramdaman ng mga turista ang masiglang atmospera ng kultura ng dinosaur sa pamamagitan ng isang batch ng pasilidad na panturista.