• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-22 14:08:22    
Dumadalaw sa pagitan ng kabuhayan at tradisyonal na kultura ng Tsina

CRI
Si Luc Bollen, isang banyaga mula sa Belgium, ay nanunungkulan ngayon bilang general manager ng Hilton Hotel sa Hefei, punong lunsod ng Lalawigang Anhui ng Tsina.

Ang Chinese name ni Luc ay "Lu Bolun" at ang "Bolun" ay nangangahulugan ng "marunong" ng wikang Tsino.

Ang Hilton Group ay isang multinasyonal na grupo ng mga hotel na matatagpuan sa mahigit 80 bansa. Pumasok ito sa pamilihan ng Tsina noong 1988, at pagkaraan ng magkakasunod na pagtatayo ng mga hotel sa Beijing, Shanghai, Chongqing at Sanya, binuksan ang ika-5 Hilton Hotel sa Tsina sa Hefei. Sinabi ni Luc na positibo ang pananaw ng Hilton Group sa malaking potensiyal ng pag-unlad ng lunsod na ito. Sinabi niya na :

"Mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at nararamdaman din namin ito sa Hefei. Nitong kalahating taong nakalipas sapul nang buksan ang aming hotel, 2 malaking perya sa pamumuhunan ang naidaos dito. Kaakit-akit ang Hefei para sa mga mamumuhunang dayuhan at ito ay lumilikha ng magandang pagkakataon para sa Hilton Hotel bilang isang komersyal na hotel."

Bilang punong lunsod ng Lalawigang Anhui sa gitnang Tsina, maraming komersyal na aktibidad sa Hefei at bunga nito walang tigil na lumalaki ang pangangailangan sa serbisyo ng mga hotel sa mataas na antas. Bukod dito, kasunod ng paggagalugad sa mga lugar na panturista na gaya ng Mountain Huang Shan, Mountain Jiuhua Shan at iba pa, sumasagana rin ang industrya ng turismo at industrya ng hotel. Kaya, matalino ang Hilton Group sa pagpili ng Hefei.

Nauna rito, 3 taon ring nagtrabaho si Luc sa iba pang lugar ng Tsina, kaya, alam na alam niya sa kapaligirang komersyal ng Tsina. Ipinalalagay niyang ang patakaran ng pagbubukas sa labas ng Tsina ay batayan ng pang-aakit ng mga puhunang dayuhan. Ang patakarang ito ay lumikha ng magandang kapaligirang komersyal sa pag-unlad ng bahay-kalakal, konstruksyon ng lunsod at pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan.