Idinidispley ng mga istatuwa sa dinosaur park at square ang kalagayan ng pamumuhay na gaya ng pagtakbo, paglakad at paglalaro ng mga dinosaur sa proseso ng pandarayuhan nila noong sinaunang panahon. Sa museo ng mga dinosaur na binago noong 2002, itinatanghal ang bahagi ng mga mahalagang dinosaur fossil, dinosaur egg fossil at mammal fossil na natuklasan sa rehiyon ng Erlianhaote.
Sa dinosaur fossil natural reserve zone sa Erlianhaote Basin, may isang sementeryo ng mga dinosaur na pinakamalaki sa rehiyong Asyano hanggang sa kasalukuyan. Sa rehiyong ito, walang humpay na natuklasan ang mga dinosaur fossil. Lumikha ang sementeryong ito ng maraming sorpresa sa mga palaeontologist at geologist, at naging itong paraiso ng pagkaunawa at paghanap ng lihim ng dinosaur para sa mga tagahanga ng dinosaur at karaniwang turista.
Upang malaman nang mas direkta ang sementeryo ng mga dinosaur, puspusang itinatatag ng pamahalaan at mga kinauukulang departamento ng lunsod na ito ang parkeng heolohikal ng dinosaur at komprehensibong pinapasulong ang gawain ng pangangalaga at paggamit ng dinosaur fossil. Sinabi ni Ginoong Ma, isang opisyal ng kawanihan ng lupa at yaman ng nasabing lunsod na,
"Sa kasalukuyang taon, isasagawa namin ang isang malawakang paghuhukay, itatatag ang isang museo ng pagbabaon at ganap na isasaayos ang mga dinosaur fossil para malinaw na mapagsiyang mabuti ng mga turista ang buto sa bawat fossile.
Kasabay ng progreso ng archaeological work, nakakahikayat ang kultura ng dinosaur sa Erlianhaote ng marami-maraming turista. Isinalaysay ni Ginang Gao, pangalawang direktor ng kawanihan ng turismo ng lunsod na ito na,
"Ang turismo ng dinosaur ay naging tampok at pangunahing proyekto namin. Ito ay hindi lamang isang di-maiiwasang pagpili para sa mga turistang pumarito, kundi rin isang edukasyon sa pagsasarbey na pansiyensiya para sa mga bata at kabataan."
|