• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-22 14:09:01    
Ulap at Buwan, Ulap at Buwan, Ai Dai

CRI
Magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig si Fatima ng Lipa City, Batangas, iteks mo nga sa akin ang number mo. Sorry, nawala ko. Iyong sa mobile, ha?

A Sang binubuksan ang ating munting palatuntunan sa awiting "Awit ng Kapanglawan" na hango sa album na may katulad na pamagat.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

May email si Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila. Sabi: "Ang celebration ng China's National Day dito ay sa exclusive places ginawa at karamihan ay VIP's at prominenteng tao ang mga dumalo. Pero para sa akin, higit na mahalaga ang pagsasama-sama ng mga Pilipino at Chinese para mapainit ang kanilang pagkakaibigan."

Salamat sa iyo, Tess.

"Ulap at Buwan" sa pag-awit ni Ai Dai. Ang magandang awiting iyan ay lifted sa album na may katulad na pamagat.

May isa pang email. Sabi ni Ingrid ng Quirino Highway, Paco, Manila: "Para sa mga ordinaryong Pinoy na tulad ko, ang diwa ng selebrasyon ng Pambansang Araw ng Tsina ay dapat nakapokus sa pagkakaibigan ng mga Tsino at mga mamamayan ng ibang bansa. Sa panig ng mga Pilipino, ang pagkakaibigan na ito ay nagsimula noong-noon pa."

Thanks sa iyong remarks, Ingrid.

SMS naman. Sabi ng 917 351 9951: "Kuya, hello sa iyo at sa lahat ng mga tauhan ng Serbisyo Filipino. Lagi akong nakaabang sa iyong mga programa. Salamat sa mga reply mo sa mga SMS ko."

Thanks sa iyong SMS.

Iyan naman si Jacky Cheung sa awiting "Perhaps Love" na original soundtrack ng pelikulang may katulad na pamagat.

SMS mula sa 928 601 3479: "Kuya Mon, ikain mo naman ako diyan ng masarap na moon cake sa panahon ng Pistang Pantaglagas. Ang moon cake raw na equivalent ng hopia natin ay sumasagisag sa magandang suwerte at masaganang buhay. Ako ang magwi-wish, ikaw ang kumain."

Thank you. Mas maganda, kumain ka na rin ng hopia bago mag-wish para sabay tayong suwertehin, hehehe.

F. I. R. at ang awiting "Neverland" na hango sa album ng grupo na may pamagat na "Unlimited".

May SMS pa rito, ah. Nasan na ba iyon? Ah, heto. Mula sa 001 971 634 6895:"Sana matamo ng Pinas ang pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang gulu-gulo ng mga pulitiko. Pinagloloko lahat ng tao. Pinagwawatak-watak ang mga Pilipino. Sana makonsiyensiya naman sila."

Salamat sa iyo. Sana nga. Galing sa Amerika iyan.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.