• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-23 16:04:03    
Pagkahumaling sa "Water Cube" ng isang arkitekto

CRI
Ang paghahanda at pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay hindi maihihiwalay sa masiglang pagkatig at aktibong paglahok ng malawak na masa ng taga-lunsod ng Beijing at mga taumbayan ng Tsina.

Dahil sa aktibong pagsali ng mga karaniwang mamamayan, saka tuloy-tuloy na napasusulong ang mga gawain ng paghahanda sa Beijing Olympic Games. Samantalang nagiging makulay din ang pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan dahil sa pagdaraos sa Beijing ng Olympic Games.

Ang 36 na taong gulang na arkitektong si Wang Wubin ay nagtapos noong 1994 sa Qinghua University, isang bantog na unibersidad sa Tsina. Pagka-graduate niya ay sumanib na siya sa isang pagkalaki-laking proyektong napabantog sa daigidg. Iyon ay ang key water control project sa Sanxia sa Ilog Yangtze ng Tsina.

Para sa isang estudyanteng katatapos pa lamang sa pag-aaral, walang dudang iyo'y dapat ipagmayabang na karanasan sa kanyang mga gawain sa hinaharap. Gayon man, hindi rin akalain ni Wang Wubin na magkakaroon siya ng di-mawawalay na bigkis sa Beijing Olympic Games.

"Ako'y si Wang Wubin, nang magtapos ako sa Qinghua University noong 1994, tuwiran akong itinalaga sa China Changjing Three Gorge Develop Company. At noong Enero ng 2003, bilang isa sa unang batch na inhenyero, napasama ako sa pag-oorganisa sa gawain sa konstrksyon ng swimming Center ng Tsina. Magmula noon, kagyat naming sinimulan ang public bidding, na mag-aanyaya ng mga taong sumali sa subasta para sa pagpapanukala ng desenyo ng swimming center sa saklaw ng daigdig. Noong Hulyo ng taong 2003, naitakda na ang priliminaryong plano na sa huling hati ng taon gawin ang desenyo. At simulan ang konstruksyon sa katapusan ng taon. At mag-anyaya ng tagapangasiwa at yunit na mamamahala sa konstruksyon hanggang ngayon. Ako ang pinakamaagang lumahok sa konstruksyon."

Sa lahat ng itinatayong himnasyo para sa Olympic Games, ang "Water Cube" ng Swimming Center ang siyang may katangi-tanging banghay at mapanlikhang desenyo. Ang sistema ng estruktura ng konstruksyong ito, sa katunayan ay pinalaking estruktura ng water microcosmic molecule. Ang panlabas na itsura ng konstrksyon ng buong himnasyo ay tigib ng haka-hakang kulay asul. Sa pagpasok doon, animo'y nakapasok sa isang daigdig ng water molecule' Noong katapusan ng taong 2006, natapos na ang estruktura ng panlabas na lamad ng "water Cube", Halos naisakatuparan na ang napakagandang banghay ng tagadesenyo.

Bilang isa sa mga arkitektong pinakamaagang lumahok sa mga gawain ng konstruksyon ng "Water Cube", mahirap mailarawan ni Wang Wubin ang kanyang magiliw na damdamin sa "Water Cube". Dahil dito, nang ituring na isang likhang sining ang konstruksyon ng Water Cube at nang mailantad sa Beijing Olympic Center ang nakapanggagayumang tindig niyon, di-mapigil ang kanyang marubdob na damdamin.

"Noong 2006, nakapagtamo ng pinakamaraming yugto-yugtong resulta ang aming 'Water Cube' construction. Noong Desyembre 26, 2006, ang kumikislap at mala-kristal na panlabas na anyo ng Water Cube Construction ang siyang kauna-unahang nailantad sa Olympic Center. Ang epekto ng pakiramdam namin ay walang malaking kaibhan sa desenyo namin noon una. Manapa'y mas maganda pa nga kaysa iinaasahan naming resulta. Talagang nakaaantig damdamin."