• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-26 15:37:44    
Isang taong mahilig sa buto

CRI
Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, nagsimulang paunlarin ng nayong ito ang industriya ng turismo at pinabuti ang daam-bakal. Dahil ang pabahay niya ay nasa isang mainam na purok, sinimulan muna ni Ginoong Pan at ng kanyang pamilya ang pagpapatakbo ng isang restaurant sa nayong ito. Tuwing weekend, maraming manlalakbay ang kumakain sa restaurant ni Pan.

Sinabi ng naturang mga manlalakbay sa reporter na nandito sila para makita ang village landscape. Gustong gusto nila ang natural landscape dito, samantala, nais nilang malaman ang espesyal na katangian ng lahing namamalagi dito.

Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng masaganang proyektong may kinalaman sa turismo, ang pamumuhay ng mga taganayon ng nasabing stone stockade village ay bumubuti nang bumubuti. Isinalaysay ni Ginoong Li Liangping, namamahalang tauhan ng Zhen Shan village na:

"Bago ang taong 1993, ang kabuhayan at pamumuhay ng mga taganayon ng Zhen Shan village ay mahirap na mahirap. Sa panahong iyon, ang taunang kita ng bawat taganayon ay hindi umabot sa 300 Yuan, RMB. Sa kasalukuyan, umabot sa halos 3000 Yuan ang taunang kita ng bawat taganayon. Umabot sa 100 libong person-time taun-taon ang bilang ng mga manlalakbay sa loob at labas ng lalawigang Guizhou, at umabot sa mahigit 2 milyong Yuan, RMB ang tourism revenue sa bawat taon. Ang pag-unlad ng industriya ng turismo ay nagpapasigla rin sa pag-unlad ng ikatlong industriya sa nayon, at nagkaloob ito ng mahigit 200 pagkakataon sa hanapbuhay para sa nayon ng Zhen Shan."

Sinabi rin ni Ginoong Li na ang turismo ay hindi lamang nakadaragdag sa kita ng mga taganayon, kundi nagpapataas pa nang malaki sa lebel ng pamumuhay ng mga residente dito. Sa kasalukuyan, nakakaraming residente ng nayong ito ang nakakabili ng telebisyon at nakakagamit ng tubig sa gripo, at ang mobile phone ay nagsisilbing di-puwedeng-mawalang kagamitang pangkomunikasyon ng mga taganayon. Samantala, bumubuti nang malaki ang kalagayang pangkalusugan sa nayong ito kung ihahambing sa dati.