• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-27 17:02:41    
Ang kulturang Fu, Lu, Shou, Xi at Cai ng Tsina

CRI

Ang xi ay nangangahulugan ng katuwaan, kaligayahan at kasayahan, at karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay kaugnay ng mga masasaya at di-makalimutang pangyayari. Inilahad ng isang matandang tula ang mga pinakamahalagang kaligayahan sa buhay ng isang tao; ang pag-ulan pagkaraan ng matagal na tag-tuyot, di-inaasahang pagkakasalubong sa mga dating kaibigan, gabi ng kasakl na may sinding mga kandila at ang pagkakapasa sa pagsusulit sa serbisyo sibyl na ibinibigay ng imperyo.

Mangyari pa'y may maraming iba pang pangyayaring may kinalaman sa konsepto ng xi – ang pagsilang ng sanggol, muling pagtititpon-tipon ng pamilya, masayang kasalan, masaganang ani, at sapat na kayamanan at oras na walang ginagawa.

Ang lahat ng kasal sa Tsina ay nagtatampok ng tiktik na nangangahulugan ng dobleng kasiyahan, na binubuo ng dalawang magkadikit na letrang xi. Ang mga imahe ng magpie, peony at lily at ginagamit sa paghahangad ng xi para sa isang tao o sa maligayang magkabiyak.

Ang cai ay suwerte sa klaseng pinansiyal na naghahatid ng di-inaasahang suwerte, tubo at masaganang benipisyong materyal. Iniuugnay ito sa yumayabong na negosiyo, matagumpay na career o masaganang ani. Ang cai ay kinakatawan ng pag-uugoy money tree (yaoqianshu) ng banga ng kayamanan (jubaopen), Fairy Liuhai, golden frog, carpa at peony.