|
Ang huling stop ay ang Shenzhen na 25 taong gulang pa lamang ay isa sa pinakabatang lunsod sa Tsina at isang showcase ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Dahil sa kayamanan ng lunsod, ang mga maninirahan dito, na ang karaniwang buwanang sahod ay 450 US dollar, ay naging tampulan ng inggit ng iba pang lugar ng Tsina.
Ang Shenzhen ay siyang kauna-unahang Special Economic Zone ng bansa at siyang kinaroroonan ng 20,000 enterpresa at pabrika na may puhunan mula 65 bansa. Gayunman, ang pangunahing investor, employer at trade partner nito, ay ang Special Administrative Region ng HongKong.
Kabilang sa kagubatan ng mga nagtatayugang gusali ng Shenzhen ay ang Shenzhen Empire Building, na itinayo noong 1994. Sa taas na 387 metro, ito'y siyang ikatlong pinakamataas sa Asya.
Sinabi ng mga kritiko ng Shenzhen na ito'y isang cultural desert na salat sa libangan, liban sa pagsha-shopping. Di ako sang-ayon. Maaaring salat ito sa mga monumentong pangkasaysayan, pero sapat naman ang libangan para sa mga naghahanap.
Ang Shenzhen ay may apat na malaking theme park: Ang Splendid China--isang eksibisyon ng mga miniature ng mga pinakakilalang tanawin at landmark sa Tsina; ang Window on the World--isang similarly designed show na nagdidispley ng mga scenic wonder ng daigdig; ang Folk Willages--modelong tirahan ng 55 ethnic minortties ng Tsina na nagbibigay ng maliwanag na pagkaunawa sa kanilang kultura at tradisyon; at ang Happy Kingdom--katumbas ng Disneyland ng Tsina, na ang dambuhalang roller--coaster ay dalawang beses na lumulusod-lusot at may kahanga-hangang nakahihilog pag-inog na pakiwari ko'y higit na thrilling at lubos na inirerekomenda.
Tinapos ko ang aking pagliliwaliw sa Pearl River Delta sa pamamagitan ng isang sea cruise sa paligid ng Macao. Hindi masyadong mabuti ang panahon, pero hindi ito nakahadlang sa aming grupo sa pagsasaya sa kinagigiliwan ng lahat na pampalipas oras, ang karaoke, isang naaangkop na pagtatapos ng isang kawili-wili at nakapagbubukas-isip na paglalakbay.
|