Bilang isang press photographer, nakaranas ako ng ilang kaakit-akit na tanawin at nakaaantig na kuwento habang nagbibiyahe ako sa paligid-ligid ng Tsina. Gayunman, nakaramdam ako ng bagong silakbo ng katuwaan sa aking katawan nang lumarga ako patungo sa lupain ng Wuyuan, isang bayan sa northeastern tip ng Lalawigang Jiangxi na siyang kinaroroonan ng Anhui at Zhejiang.
Habang nagdiriwang ang bansa sa digital era at lahat ng makabagong gadgetry nito, dinala naman ng Wuyuan ang mga tao pabalik sa mga nagdaang araw, sa pamamagitan ng mga matatandang punong kahoy nito, laumang gusali, ancestral temple at sa mga naninilaw nang genealogical records nito.
Sa sandaling iyon, napagtanto ko kung bakit ang sinaunang bayan at mga mamamayan nito ay buong pagkakaisang ipinagbubunying pinakamarikit na bahagi ng kanayunan ng Tsina.
Noong sinaunang panahon, ang Wuyuan ay nasa ilalim ng pamamahala ng Anhui. Ang mga negosiyente mula sa lugar na ito ay kumalat sa buong Tsina mga 500 taon na ang nakaraan, na humubog ng relasyong pangkalakalan sa mga dealer mula Qingdao hanggang Qinghai. Dahil sa gayong kadaming bilang at katalasan ng isip sa negosiyo, sa ilang lugar, ay halos sila ang nagpapatakbo ng eknomiya ng lokalidad.
Ipinakikita ng mga talang pangkasaysayan, ang walong baron na tinanggap ni Qing Emperor Qianlong nang manglakbay ito sa katimugan ng Tsina, ay apat ang mula sa Anhui. Nagpatuloy ang pagdomina ng mga negosiyante ng Anhui sa kalakalan ng Tsina sa loob ng 400 taon kung puhunan at trade outlet ang pag-uusapan.
Sa pagbabalik sa kanilang baying tinubuan, kadalasa'y nagtatayo ang mayayamang negosiyante ng magagarang bahay at madetalyeng ancestral temple upang makabahagi ang kanilang mga pamilya at ninuno sa kanilang tagumpay. Karamihan nito'y nakatirik pa rin sa Wuyan.
Dahil sa nakatago sa kaloob-looban ng kabundukan, nakaligtas ang bayan sa pananalasa ng digmaan na pumawi sa maraming iba pang lugar ng sinaunang Tsina, at sa mga labi nito sa orihinal na kalagayan nito ngayon.
|