Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Kumusta sa mga kaibigan sa Iridium at Nakar. Happy listening sa inyo.
Iyan, narinig ninyo si Peggy Lee na nagbubukas sa ating palatuntunan sa awiting "Fever". Ang track na iyan ay hango sa "Jazz Moods Volume 1" album.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin itong email ni Lilibeth ng PUP. Sabi: "Muling pinatunayan ng mga negosyanteng Tsino at Pilipino sa Pilipinas kung gaano kahigpit ang bond na nagtatali sa Pilipinas at Tsina nang magdaos sila ng salu-salo para sa 58th anniversary ng China. Mahirap talagang maputol ang bigkis na ito.
Thank you so much, Lilibeth.
SMS naman. Sabi ng 919 648 1939: "Kay bilis ng paglipas ng panahon. Kelan lamang ay January. Ngayon magdi-December na. Malapit na naman tayong magbatian ng Meri Krismas. Ber month na rin naman.
Salamat sa SMS. Huwag ka munang babati, ha? Maaga pa, eh.
Renee Liu at Stanley Huang sa awiting "Isa-Isang Maglakbay" na hango sa album na may pamagat na "Ang Aking Kabiguan at Kadakilaan".
Nauuso ngayon iyong Tagalog spelling ng English expression. Tulad halimbawa ng Merry Christmas. Ito ay binabaybay ng Meri Krismas. Pag ganito ang spelling, dapat Tagalog din ang pagbigkas.
Tingnan naman natin itong SMS mula sa 919 302 3333: "Maligayang Kapistahang Midautumn sa inyo. Harinawa magkaroon kayo ng panibagong lakas at ng mayabong at magandang buhay na gaya ng sinisimbolo ng moon cake."
Maraming-maraming salamat sa iyo.
Mula sa album na pinamagatang "Bata", iyan ang awiting "Sa Tabi ng Butterfly Spring" ni Huang Yali.
Happy listening nga pala sa tropa ni Buddy Boy Basilio ng Singapore-based M/V Aldavaran. Ingat lang sa paglalayag, mga pare ko.
SMS mula sa 917 413 8312: "Salamat, kuya, sa sagot mo sa email ko. Ang bilis mong sumagot. Sana natanggap mo na iyong card na padala ko. Ako ang maygawa nun. Tagalog na Tagalog ang dating. Salamat din sa souvenir items."
Iyan naman ang grupo ni Quincy Jones sa awiting "Ai No Corrida" na isa pa rin sa mga track ng "Jazz Moods Vol. 1" album.
SMS mula sa 928 601 3479: "Kuya Ramon, salamat sa pasaload. Nailigtas mo ang araw ko. Nakontak ko kaagad ang dapat makontak. Thank you. Censiya ka na."
Walang anuman. Salamat din.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maramaing-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|