• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-03 20:51:40    
Kabuhayan ng Yunnan, mabilis na umuunlad

CRI
Ang lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ay isang lalawigang kung saan ay makikita ang masaganang likas na yaman na gaya ng heolohiya, lakas-tubig, panahon at mina. Nitong kalilipas na ilang taon, puspusang napabilis ng lalawigang ito ang pagpapaunlad ng kabuhayan nito at iniharap nitong lubos na mapatingkad ang kahigtan nito, puspusang paunlarin ang green economy at umahak sa landas ng sustenableng pag-unlad.

Ang sakop ng lalawigang Yunnan ay 390,000 metro kuwadrado na may lahat kahat na mahigit 17000 uri ng halaman. Ibang iba ang topograpiya at masalimuot ang panahon dito, bagay na nagbigay ng mainam na kondisyon para sa pagpapaunlad ng green economy. Sa kasalukuyan, inilagay ng lalawigang ito sa unang puwesto sa pagtatayo ng malaking lalawigan ng green economy ang pagpapaunlad ng yaman ng mga bagay na bagay at kabilang dito, ang puspusang pagpapaunlad ng industriya ng gamut ay ginawang pinakauna sa mga ito.

Sinabi ni Pang Xijun, director ng lupon ng pagpaplano ng lalawigang Yunnan na ipinagmamalaki ng lalawigang Yunnan hindi lamang ang natatanging kahgtan ng likas na yaman, kundi may kahigtan ng pagkakataon ng makukulay na katangian ng multi-nasyonalidad. Sinabi niyang:

"Ang bilang ng mga pambasang minoriya sa lalawigang Yunnan ay pinakamalaki sa Tsina. Bawat pambansang minoriya ang may kanilang sariling teoriya medical. Ang mga Yi ay may kanilang tradisyonal na gamut at gayon din ang mga Thai at mga Bai. Ibang iba ang katangian ng mga gamut ng iba't ibang lahi at nayon din ang kanilang gamot."

Ayon sa ulat, ipinagmamalaki ng lalawigang Yunnan ngayon ang mahigit 170 na paggawa ng gamut at ang kauunang halaga ng produksyon ng gamut ng lalawigang Yunnan noong isang taon ay umabot sa mahigit 3 bilyong Yuan RMB.

Ang isa pang mahalagang gawain para sa Yunnan at puspusang paggagalugad sa yaman ng tubig. Masagana ang yaman ng tubig nito. Ginawang haliging industriya ng lalawigang Yunnan ang pagpapaunlad ng hydro-electrive power station para ihatid ang koryente sa silangang Tsina.