• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-03 21:15:02    
Nobyembre ika-26 hanggang Disyembre ika-2

CRI
Nagtagpo noong Miyerkules sa Hanoi ang mga puno ng delegasyon ng Tsina at Biyetnam sa talastasan ng hanggahan na sina Wu Dawei, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Vu Dung, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Byetnam at sinang-ayunan ng 2 panig na magkasamang magsikap para sa katatagan ng South China Sea. Sinang-ayunan ng 2 panig na pabilisin ang demarkasyon ng hanggahan sa lupa para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng target na matapos ang buong demarkasyon sa 2008. Sinang-ayunan din ng 2 panig na palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangan ng magkasanib na pagsisiyasat sa yamang-isda sa Beibu Bay, magkasanib na pamamatrolya ng mga hukbong pandagat, paggagalugad ng langis at gas at iba pa, aktibong talakayin ang hinggil sa magkasamang paggagalugad sa rehiyong pandagat sa labas ng Beibu Bay at magkasamang pasulungin ang joint marine seismic research ng Tsina, Biyetnam at Pilipinas sa South China Sea.

Mula noong Biyernes hanggang noong Araw ng Linggo, dumalaw sa Brunei si Wu Dawei, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at isinagawa nila ng mga opisyal ng Mnistring Panlabas ng Brunei ang ika-13 pagsasangguniang diplomatiko. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo si Wu ni Prince Mohamed Bolkiah, Ministro ng mga suliraning Panlabas at Pangkalakalan ng Brunei. Ikinasisiya ni Mohamed ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at Brunei nitong nakalipas na ilang taon at umaasa siyang pasusulungin ng dalawang panig ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa langis at natural gas, kabuhayan at kalakalan, turismo at iba pang larangan para lalo pang mapasulong ang bilateral na relasyon. Sa pagsasanggunian, binalik-tanaw ng dalawang panig ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa nitong nakalipas na ilang taon at malalimang nagpalitan ng palagay at nagkaroon ng malawakang komong palagay hinggil sa kooperasyon sa enerhiya, kabuhayan at kalakalan, agrikultura, kultura at edukasyon, tele-komunikasyon at iba pang larangan.

Sa paanyaya ng Central Committee of the Communist Youth League ng Tsina at pamahalaang lokal, isinagawa noong isang linggo ng study group ng mga kabataang mangangalakal na Pilipino ang pagsasarbey sa Manzhouli, isang lunsod sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina. Napag-alamang ang mga miyembro ng grupong ito ay galing sa mga industryang gaya ng pagkain at inumin, turismo at pagyari.

Sa isang pulong na idinaos noong Araw ng Linggo sa Cha Pa, Biyetnam, tinalakay ng mga klalahok na dalubhasa, iskolar at kinatawan ng mga pamahalaan ng Tsina at Biyetnam ang hinggil sa mga mabisang hakbangin para sa pagpapasulong ng konstruksyon ng Kunming-Hanoi at Nanning-Hanoi economic corridors at Pan-Beibu Gulf economic circle o "two corridors and one circle". Tinukoy ng mga kalahok na dapat palakasin ng panig Tsino't Biyetnamese ang kooperasyon sa mga larangan ng imprastruktura, pinansya, adwana, telekomunikasyon, koryente at paggagalugad ng yamang-tao at iba pa. Tinukoy din nila na dapat itakda sa lalong madaling panahon ng kapuwa panig ang mga pangunahing larangan ng kooperasyon, palakasin ang paggagalugad ng yamang-tao at hanapin ang mas maraming tulong na pinansyal para sa pagpapasulong sa konstruksyon ng imprastruktura.

Ipinalabas noong Lunes ng pamahalaan ng Lalawigang Yunnan ng Tsina na idaraos ang Summit na Pangkooperasyon sa TV ng Tsina at ASEAN sa 2007 sa ika-18 ng kasalukuyang buwan sa Kunming, punong lunsod ng Lalawigang Yunnan. Ito ay kauna-unahang malaking pulong na idaraos ng Tsina hinggil sa pagtutulungan at pagpapalitan ng sirkulo ng telebisyon ng Tsina at ASEAN. Napag-alaman, ang tema ng summit na ito ay "palakasin ang pagtutulungan at pagpapalitan sa telebisyon ng Tsina at ASEAN at pasulungin ang komong pag-unlad ng iba't ibang panig".