• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-04 21:14:01    
Shanghai. buong sikap na pinapapabuti ang pamumuhay ng mga migrant work

CRI
Lubos na pinahahalagahan ng mga dayong manggagawa ang edukasyon ng kanilang mga anak. Nalutas na sa kabuuan ang isyung ito sa Shanghai. Maraming pumasok sa mga public school ang anak ng mga dayong manggagawa sa lunsod. Nagbukas din ng mga espesyal na paaralang malapit sa pinagtatrabahuhan ng mga magulang. Sa minhang District ng Shanghai, may 33 ganitong espesyal na paaralanna pinapasukan ng mahigit 20 libong anak ng mga dayong manggagawa.

Kaugnay nito, isinalaysay ni Wang Yixin, opisyal ng Kawanihan ng Edukasyon ng Min Hang District, na:

"Ang seguro ng mga estudyante sa lahat ng mga espesyal na paaralan ay binabayaran ng Komisyon ng Edukasyon ng Shanghai at naglaan din ang pamahalaang munisipal ng mahigit 30 milyong Yuan RMB o 2.75 milyong dolyares sa pagpapabuti ng instalasyon ng paalaran, pagbili ng libro at pagbili ng pasilidad ng serbisyong medikal ng mga paaralang pinapasukan ng mga anak ng migrant worker.

Unti-unting nakikibahagi sa pamumuhay ng munisipalidad ng Shanghai ang mga dayong manggagawa. Bukas sa kanila ang lahat ng mga sentro ng serbisyo at libangan ng komunidad. Nag-organisa rin sila ng koponan at lumalahok sa mga palaro ng munisipalidad. Para lalo pang mapabuti ang pamumuhay ng mga dayong manggagawa sa Shanghai at maging bahagi sila ng lunsod na ito, magsasagawa pa ang pamahalaang munisipal ng higit pang maraming hakbangin. Sinabi ni Zhao Jiande, isang may kinalamang opisyal ng Shanghai, na:

"Ang layunin ng aming gawain ay mapagkalooban ang mga dayong manggagawa ng katulad na serbisyong ipinagkakaloob sa mga residenteng lokal ng Shanghai nang sa gayon magawa nilang lubusang makibagay sa pamumuhay ng Shanghai."