• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-04 21:32:27    
Paraang pangkalusugan sa sinaunang Tsina

CRI
Ang mananalaysay Tsinong si Sima Qian (circa 145-90 BC) ay gumugol ng 18 taon sa kanyang seminal na 520,000-titik na masterpis "Mga Tala ng Mananalaysay". Ang katha ay naglalaman ng napakahalagang impormasyon hinggil sa mga tauhan at pangyayaring pangkasaysayan mula noong unang panahon sa Tsina. Gayunman, naglalaman lamang ito ng 450 kataga hinggil kay Laozil kakaunti lang ang alam hingil sa paham, kahit na namuhay siya sa nakaraang ilang siglo, na pati ang araw ng kanyang kapanganakan ay di-tiyak.

Isinasaad ng tula: "May nagsasabi na umabot sa 160 taon ang kanyang buhay, at ang iba'y nagsabing umabot ito sa 200 taon." Maliwanag na nagduda si Sima Qian kung totoo ang iniulat na kahabaan ng buhay ni Laozi, ganito ang kanyang nakatalang konklusyon: "nagkaroon si Laozi ng mahabang huhay sa pamamagitan ng self-cultivation ng Dao". Pero maliwanag na ipinahayag ng mga tala na sinulat ni Laozi ang Dao De Jing sa Hangu Pass at mahigit isang beses na nagtagpo sila ni Confucius.

Ipinanganak si Laozi sa Kuxian County (na tinatawag ngayong Luyi County sa Lalawigang Hunan) sa Estado ng Chu noong Zhou Dynasty (ika-11 siglo-476B.C.), ayon kay Sima Qian. Ang kanyang apelyido ay Li, ang kanyang pangalan ay Er at kilala siya sa tawag na Dan.

Hindi binanggit ni Sima Qian kung ilang taong nabuhay si Laozi, pero dahil 72 taong nabuhay si Confucius at mas matanda si Laozi ng 30 taon kaysa kanya, maaaring ipalagay na siya'y isang sentinaryo. Ang pagkakaroon ng mahabang buhay ay walang dudang bunga ng pagpapraktis ng mga teorya ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan.

Ang resiping pangkalusugan ni Laozi ay ang kagalingang pangkaisipan, na nagsisimula sa paggalang sa iba at kapaligiran, at pagkaing pampalusog. Anya, may tatlong kabutihan na pinahahalagahan ko at sinusunod: kabaitan, katipiran at kababaang-loob. Itinataguyod ng mga Tsinong health gurus ang paggugumiit sa prinsipyong ito, kung saan ang kalinangang moral ay pangunang pangangailangan para sa kalusugang pisikal sa loob ng ilang siglo.

Ang mahigpit na alituntuning moral at pisikal ni Lao ay siya ring mga aspekto ng tradisyonal na medisinang Tsino. Ang internal Medicine of the Yellow Emperor, na siyang pinakamaagang kathang medikal sa Tsina, ay naglalaman ng mga reseta na "kaiba sa materyal na kapakinabangan" at "malaya sa ambisyon at pagnanasa", na kapuwa maliwanag na mga pamana ni Laozi.