• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-05 19:24:17    
Bandang Pilipino sa Sanya

CRI
Ang awiting ito ay kinagigiliwan ng mga kababayang Pilipino, pero, ang naririnig ninyo ngayon ay hindi mula sa Pilipinas, kundi mula sa lunsod ng Sanya sa Lalawigang Hainan ng Tsina. Ang Hainan ay nasa dulong katimugan ng Tsina samantalang ang Sanya naman ay matatagpuan sa katimugan ng Hainan at gayundin sa kabilang ibayo ng dagat ng Pilipinas.

Bilang isang kilalang tropikal na lunsod na panturista, ang Sanya ay maraming naaakit na bisita mula sa loob at labas ng bansa--kasama na ang mga taga-Pilipinas.

Sa Sanya na siya tanging tropikal na lunsod ng Tsina, makikita ninyo ang mga bandang Pilipino. Nadadagdagan ng mga musikerong ito ang biyuti ng marikit na lunsod sa pamamagita ng kanilang magandang awitin. Sa 5-star Crown Plaza Hotel sa Sanya, nakatagpo namin ang Pinoy band na Los Amigos Band. Isa-isang ipinakilala nila ang kanilang mga sarili.

Popular na popular ang mga Pilipinong banda sa Sanya at nagiging isa na itong katangian ng gabi ng Sanya. Tinatanggap sila ng mga taga-roon samantalang nagugustuhan naman nila ang Sanya. Ano ang kanilang impresyon sa lunsod na ito? Tingnan natin.

Nabibighani talaga nila ang Sanya, nangungulila pa sila sa kanilang pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas. Gusto nilang ipaabot ang kanilang pagbati sa pamamagitan ng palatuntunan ng Serbisyo Filipino. Tingnan natin.

Sa kanilang pananatili sa Sanya, natututuhan din nila ang maraming awiting Tsino at "Pengyou" o "kaibigan" ang kanilang pinakapaborito. Dahil popular din ito sa Pilipinas gusto rin nilang ihandog ang awiting ito sa mga kaigiban sa apat na sulok ng daigdig.

Sa Sanya, lunsod sa dulong timog ng Tsina, ang mga Pinoy, mga residenteng lokal at mga turistang galing sa iba't ibang lugar ng daigdig ay nagiging magkakaibigan.