• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-06 10:08:21    
Ibaling ang Pagmamahal, Pandora, Angela Chang

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi Ng Musika.

Kung nakikinig si Rommel, Rommel Fulgencio ng Kalibo, Aklan, maraming salamat sa iyong interes at malasakit sa aming mga programa. God bless at happy listening.

Mula sa album na may pamagat na "Tuloy ang Laban", iyan ang awiting "Eksklusibong Anghel" ni Lv Jianzhong. Sabi nila ang palayaw daw ni Lv ay tank--tangke.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

May padalang email si Kevin Nolasco ng R. R. Landon, Cebu City. Sabi niya: "Magandang gabi, kuya, at magandang Gabi ng Musika. Mukhang nawawala na ang mga SMS mo na may kinalaman sa love at values. Inaanyayahan ko ang lahat ng listeners na ibalik ang pagpapasahan ng ganitong messages."

Salamat, Kevin. Ngayon lang iyan. Makikita mo, magbabalik din ang trend na iyan.

Naku, kumuntik ko nang makalimutan. Salamat nga pala Mareng Gina sa pansit palabok, Napakasarap. Talagang espesyal. Ang lakas ko talaga sa iyo. Heto, alam kong paborito mo itong kantang ito.

Father and daughter tandem, Nat King Cole at Natalie Cole, sa awiting "Unforgettable" na mula sa album na "The World of Nat King Cole".

Sabi ng email ni La Trixia ng Congressional Road, Quezon City: "Narinig ko minsan sa inyong weekday program ang hinggil sa pagsisimula ng komperensiya ng CPC. Malaki ang role nito sa pag-ugit ng pamahalaan at pagsusulong ng mahahalagang gawain para sa ikabubuti ng buhay ng mga tao. Sana malampasan pa nila ang mga nagawa nila sa nakaraan."

Salamat sa iyong remarks, La Trixia.

Iyan naman si Angela Chang sa awiting "Ibaling ang Pagmamahal" na hango sa album na pinamagatang "Pandora". Alam ba ninyo kung ano ang pandora?

SMS mula sa 0086 1352 023 4255: "Maganda ang ginagawa ninyong hakbangin para mapalinis ang hanging nilalanghap ng mga tao. Kung inyong mapapagtagumpayan, ito ay magsisilbing pattern para sundan ng ibang bansa."

Thank you.

Sabi naman ng 917 483 2281: "Gumugulo ang mundo kasi masyado nang maraming marurunong. Sopistikado na masyado ang mga tao. Dapat, paminsan-minsan, pagpapakumbaba naman ang pairalin."

At iyan naman ang US3 sa tugtuging "Cantaloop" na hango sa "Jazz Moods Volume 1" album.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.