• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-10 10:35:09    
Green economy, may malakas na bitalidad sa Tsina

CRI
Maganda ang kalagayang heograpikal ng lalawigang Yunnan. Ang mga maniyebeng bundok, kuweba, gubat, damuhan at nag katutubong kaugalian ng mga pambansang minoriya ng Thai, Bai, Yi ay umakit taun-taon ng marami ng manlalakbay mula sa loob at labas ng bansa. Ang mga manlalakbay sa loob at labas ng bansa na tinanggap ng Yunnan noong isang taon ay umabot sa mahigit 1.3 milyon.

Nang mabanggit ang relasyon sa pagitan ng green economy at sustenableng pag-unlad, sinabi ni Mr. Pang:

"Ang green economy at sustenablenpag-unlad ay isang bagay na may dalawang aspekto. Kung walang sustenableng pag-unlad, hindi mapag-uusapan ang green economy at kung gusting paunlarin ang green economy, dapat tumahak sa landas ng sustenableng pag-unlad."

Upang tiyakin ang pagtahak ng green economy landas ng sustenableng pag-unlad, puspusang nagpapaunlad ang lalawigang Yunnan ng siyensiya at teknolohiya. Sinabi ni Mr. Wu Fan, puno ng dibsyon ng high tech ng lupon ng pagpaplano ng lalawigang Yunnan na hindi mahihiwalay ng pagpapanatili ng likas na yaman, yamang pangkapaligiran at yamang pangkabuhayan ang pagkatig at siyensiya at teknolohiya. Sinabi niyang:

"Unang una, dapat pataasin ang kasalukuyang pamantayan ng siyensiya at teknolohiya sa pamamagitan ng high-tech, upang tiyakin ang sustenableng paggamit ng yaman, ang sustenableng pag-unlad ng teknolohiya ng industriya para igarantiya ang mataas na kalidad at mataas na benipisyo sa paglaki ng kabuhayan."

At sa paggagalugad naman ng mga mina, ginagamit ng lalawigang Yunnan ang makabagong teknolohiya at teknolohiyang automatikong konreol at iba pa upang mabawasan ang polusyon ng mga mina sa kapaligiran. Bukod dito, nagpabilis pa ang lalawigang Yunnan sa pagpapaunlad ng industriya ng pangangalaga sa kapaligiran para palakasin ang kontrol sa iba't ibang pollutant para paunlarin ang malusog na pag-unlad ng green economy.