• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-11 10:15:53    
Si Zhang Zhengxiang, isang magsasakang Tsino na kusang-loob na pinangangalagaan ang Dianchi

CRI
Kasabay ng patuloy na pagsasagawa ng pamahalahang Tsino ng patakarang sustenableng kaunlaran at buong lakas na pagpropaganda nito sa lipunan, tumataas nang tumataas ang kamalayan ng mga tao sa pangangalaga sa kapaligiran. Noong 2003, sinarhan ang 56 malaking minahan at iba pang plantang kemikal. Kinakatigan si Zhang ng maraming taong. Sinabi niyang:

"Higit na nakararaming tao ang nais kausapin ako, dati, tinutol ako ng mga amo ng minahan, ngayon, kinakatigan ako ng isa sa kanila."

Para pangalagaan ang kapaligiran, nagtanim si Zhang ng mga puno sa lahat ng bukirin ng kanyang pamilya. Naakit ang kanyang anak na babae at tinularan niya naman ang kanyang ama na nagtanim din ng mga puno sa lahat ng kanyang bukirin.

Nitong nakalipas na mahigit 20 taon, unti-unting nabuo ang kanyang kaugalian na parang may "biological clock" sa kanyang katawan na nagtuturo sa kanyang aksyon: luminsan ng bahay sa alas 7:30 ng umaga para magpatrolya ng Dianchi at Xishan at umuwi sa alas-20 hanggang alas-21 ng gabi. Naglalakad nang mahaba siya bawat araw at bawat 3 buwan ay sapilitang pumalit siya ng sapatos. May iisang layunin ang 60 taong gulang na si Zhang: mapanumbalik ang dating kondisyon ng Dianchi. Sinabi niyang:

"Umaasa akong magiging mas berde ang Xishan, mas malinis ang tubig ng Dianchi, mas maganda ang aming rehiyon at nagsisikap ako para matupad ang pakay ko. "