• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-12 09:44:28    
Isang sakahang panlibangan sa Taihu ng Suzhou

CRI
Dadalhin kita sa Greenlight Sakahang Panlibangan sa Taihu ng Suzhou na itinatag ni Cai Shengjia, isang mangangalakal na Taywanes.

Ang Greenlight Sakahang Panlibangan, na nasa Xishan o kanlurang bundok ng lunsod na Suzhou ay sumasaklaw ng 30 hektarya. Ito ang kauna-unahang sakahan ng Suzhou na may punksyon ng produksyon, pamumuhay at paglalakbay. May maraming seksyon sa loob ng sakahang gaya ng koridor ng prutas, seksyon ng hayop at greenhouse.

Sa mahigit 300 metrong koridor ng prutas, ini-angkat ang mahigit 40 uri ng prutas galing sa lalawigang Taiwan ng Tsina. Sa sekyon ng hayop, bukod sa kuneho, manok, kambing at iba pang hayop na alaga sa bahay, makikita mo ang milu, wild yak at iba pang pambihirang hayop. Sa seksyon naman ng greenhouse ay makikita ang tinatamnang pipino, kamatis at iba pang organic vegetables.

Ipinagmamalaki ni Ginoong Cai Shengjia ang pagbanggit ng mga organic vegetables, sinabi niyang ang tubig sa irigasyon ay itinipon ng espesyal na instalasyon, sinala ang mga tubig ng ulan bago gamitin sa pagdidilig, kaya, masyadong masarap ang mga prutas at halaman.

"Halimbawa, may takdang polusyon na tulad ng tira ng pesticide o ilang elementong kemikal ang mga pipino sa pamilihan, ipinangako ko sa iyo na wala gayong problema sa aming produkto. Masyadong masarap ang aming organic vegetables at katangi-tangi ang lasa nito kung tikman."

Ayon sa mga nakaraang karanasan, mabuti ang paglago ng mga prutas at halaman sa Taiwan, pero, mukhang hindi nakahirati sila sa tubig at lupa ng mainland, naging isang problema ang pagtubo nito sa mainland ng Tsina. Ngunit, hindi ito problema para kay Ginoong Cai:

"Karamihan ng mga produktong agrikultural ng Taiwan ay galing sa mainland sa sinaunang panahon, sa parehong latitude, temperature at itinanim, paraan ng pamamahala at binhi, nagkaiba ang lasa ng mga gulay sa mainland at sa Taiwan, dahil hindi nakahirati sila sa klima at kapaligiran ng mainland. Mayroon na kaming karanasan para hiratiin ang mga ito sa lagay ng lokalidad."