• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-12 09:44:57    
Igisa ang hugis-dais na karne ng manok at Tsinong tugi

CRI

Ang putaheng ito daw ay madalas i-serve sa malalaking bangkete dito sa Tsina.

Mga sangkap

1 chicken breast
300 gramo ng chinese yam
75 gramo ng pea pods
2 kutsara ng lycium berries

Para sa marinade:

1 kutsara ng puti ng itlog
1/2 kutsara ng cooking sherry
1/2 kutsarang asin
1 kutsara cornstach

Para sa seasoning:

1 kutsara cooking sherry
1 kutsarang asin
1/2 kutsarang misture ng cornstarch at tubig

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang chichen breast o dibdib ng manok at hiwa-hiwain nang pacube. I-marinate sa loob ng sampung minuto, iprito sandali at alisin. (Siguruhin na hindi sosobra sa init ang mantika kasi baka magdikit-dikit ang mga hiniwang manok at tumigas.)

Talupan at hiwain din ng pa-cube ang Chinese yam. I-trim ang mga fibers sa magkabilang gilid ng pea pods at hugasan. Hugasang mabuti ang lycium berries.

Iprito't haluin ang Chinese yam sa 2 kutsarang mantika. Isama ang chicken breast at pea pods. Lagyan ng seasoning at apat na kutsarang tubig at pakuluin. Ibudbod ang lycium berries at haluing mabuti. Alisin at isilbi.