• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-13 21:17:32    
Walang Dudang Mahal Kita, Hindi Sarado ang Pinto, Victor Huang at Jasmine Leung

CRI

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ng 919 257 8451: "Mabuhay sa CPC! Sana magpatuloy ang inyong walang-kapagurang paglilingkod sa bayan! Marami na kayong nagawa sa bansa at marami pang magagawa at dapat gawin!"

Maraming-maraming salamat sa iyong SMS.

       

Lam Junjie sa ating opening number na "Pagkaraan ng Isang Libong Taon". Iyan ay hango sa album na "Number 89757".

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tingnan natin itong email ni K. C. Orioste ng Lumban, Laguna. Medyo mahaba ito pero babasahin natin nang buung-buo. Sabi: "Dear Kuya, pinakikinggan ko ang mga programs ng Filipino Service sa 7:30 ng gabi sa 7.180 MgHz at sa 10:30 sa ganun ding frequency pero dalawa ang sa 8:00 ng gabi. Maganda ang inyong News and Current Affairs pati mga programs na tulad ng Paglalakbay sa Tsina, Kulturang Tsino, Usap-Usapan sa ASEAN at Kabuhayan. Natutuwa ako na meron kayong laan na programa para sa mga tagapakinig na tulad ng Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika. Naipapahayag ng mga listeners ang kanilang opinion sa iba't ibang isyu at nasasabi nila ang gustong sabihin hinggil sa inyong programming. Sana magpatuloy ang mga programs na ito at dumami pa ang inyong listeners."

Salamat, K. C., sa iyong remarks. God Love You.

Kitchie Nadal sa awiting "Pag-ibig" na lifted sa "The Best of APO Hiking Tribute album.

Sa mga Chinoy na mahilig sa Chinese language and culture, itong mensaheng ito ay para sa inyo: "Para sa mga Chinoy na gusto pang mapalawak ang kaalaman hinggil sa kulturang Tsino, iniri-recommend ko ang programs ng CRI Filipino Service. Narito ang mga infos tungkol sa China na hindi ninyo naririnig kahit saang SW stations. Kung hindi pa kayo nakakapakinig dito, simulan na ninyo; at kung nakikinig na kayo, ipagpatuloy ninyo ang pakikinig."

Thank you. Ang nagpadala ay si Emmy Panajon ng Florante, Pandacan.

       

Iyan naman sina Victor Huang at Jasmine Leung sa awiting "Walang Dudang Mahal Kita" na hango sa album na pinamagatang "Hindi Sarado ang Pinto".

SMS mula sa 910 340 8695: "Ang greetings ko ay para sa pagtatapos ng kongreso. Hindi ko alam kung kelan ito talaga magtatapos pero alam ko na masigasig ang lahat ng delegado sa kongreso sa pagpiprisinta ng relevant issues. Congratulations and more power."

Thank you.

Iyan naman si Sarah Geronimo sa awiting "I Still Believe in Loving You" na hango sa collective album na "You Are the One".

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.