• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-13 21:28:51    
Pagrerelaks sa Greenlight Farm

CRI

Sa naturang mga prutas at halaman, ang presyo, siyembre, ay naging problemang pinagtutuunan ng maraming pansin ng mga mamamayan. Isinalaysay ni Ginoong Cai na dahil mataas ang gastos, umabot sa mahigit 3 o 4 na ulit ang presyo ng mga prutas at halaman na ipinoprodyus ng sakahan niya kumpara sa mga normal na prutas at halaman sa pamilihan, at ang itong mga prutas at halamang ito ay pangunahin na para sa mga hotel o supermarket sa mataas na antas.

Sinabi pa ni Gioong Cai na lubos na sakupado ang industriya ng agrikulturang panlibangan sa islang Taiwan, ngunit, kasisimula pa lamang ng mga may kinalamang industriya sa mainland ng Tsina at malaki ang espasyo ng pamilihan. Malakas ang purchasing power sa Yangtze river delta region, angkop-angkop ito sa pag-unlad ng industriya ng agrikulturang panlibangan.

Napakaunlad ng teknolohiyang agrikultural ng lalawigang Taiwan kumpara sa mainland, ito ay isa sa mga dahilan ng mainland na tumatanggap sa mga mangangalakal na Taiwanes na mamuhunan sa turismong pang-agrikultura.

Sinabi ni Wu Wenyuan, pangalawang direktor ng pirmihang lupon ng pambansang kongresong bayan ng Suzhou na hindi lamang dinadala ng mga mangangalakal na Taiwanes ang maunlad na ideya ng sakahang panlibangan, kundi ang maunlad na karanasan ng pamamahala at pagpapatakob ng industriyang agrikultural ng Taiwan.

"Ang matagumpay na pagkakatatag at pagpapatakbo ng Greenlight sakahang panlibangan ay nagkaloob ng isang mabuting plataporma at modelo sa pagtutulungan at pag-unlad ng industriyang agrikultural at industriyang panturismo ng magkabilang pampang, malakas na pinasulong nito ang kooperasyon ng magkabilang pampang sa iba't ibang industriya."

Kung gusto mong tikman ang purong natural at berdeng prutas at halaman ng Taiwan at makaranas mismo sa natural na produksyong agrikultural, pumrito ka sa Greenlight Sakahang Panlibangan.